Saan ka addict?

IBA’T IBANG tao ay may kanya-kanyang hilig. Maraming klase ang “addict” na Pinoy.

1. Droga – Mayroong 3.4 milyong gumagamit ng droga sa Pilipinas. Laganap talaga ang problemang ito sa bansa natin. Bakit ba nawiwili rito? Tumataas kasi ang kemikal na dopamine sa utak ng mga alkoholic at drug addict. Ito ay nakapagbibigay ng panandaliang sarap o “high.” Masama ang droga at huwag nang subukan ito.

2. Alak 8% ng populasyon ay alkoholic. Ang ibig sabihin ay hindi nila mapigilan ang pag-inom ng alak. Alam n’yo ba na ang alak ay hindi talaga nagpapasaya, at sa katunayan ay nakapagdudulot pa ng depression.

3. Pagkain Ayon sa pagsusuri, 15% ng mga tao ay addict sa pagkain. Oo, di biro iyan. Ang Bulimia ay isang sakit ng sobrang pagkain, pagkatapos ay isinusuka nila.

4. Sigarilyo Sa Pilipinas, 47% ng kalalakihan ay naninigarilyo, at 16% naman ang kababaihan. Pero ang masaklap dito ay 33% ng ating kabataan ay naninigarilyo na pagdating ng edad 14. Masama po ang manigarilyo. Gawin ang lahat para maihinto ito.

5. Sugal Base sa pag-aaral, 1% ng mga tao ay addict sa sugal. Sa tingin ko, mas mataas ang bilang ng mga addict sa sugal. Isasali pa ba natin ang mga addict sa lotto, tong-its at sabong?

6. Kape Umaabot sa 80% ng populasyon ang malakas uminom ng kape. Nakaka-addict kasi ang caffeine. Babala lang: Ang caffeine ay nagpapabilis ng tibok ng puso at nagpapataas ng presyon ng dugo. Kaya hinay-hinay lang sa pag-inom.

7. Shopping Kung ang siyota o misis ay addict sa shopping, patay kang bata ka. Window shopping na lang, ok pa.

8. Internet Iyan ang bagong kinahihiligan ng kabataan. Addict sa chat. Addict sa Friendster.

9. Sex Huli sa lahat, may­roong ding addict sa sex. Ang kaila­ngan nila ay sex therapist o psychiatrist.

Kung ang pagiging “addict” ng isang tao ay nakasisira sa kan­yang trabaho o pagtulog, dapat nang magpatingin sa doktor. Ano ang solusyon sa mga addict? Magkaroon ng tamang pananaw sa buhay. Maging abala sa mabubuting adhikain. Kadala­san ay ikaw din ang makapaglu­lutas ng iyong problema. Good luck!

Show comments