Komunikasyon ng tao at hayop
KUNG nag-aalaga ka ng aso, alam mo ang kakaibang pakiramdaman at komunikasyon ng tao at hayop. Tila nababasa nila ang isip at damdamin mo. Kung masaya ka, masaya rin sila. Kung malungkot ka, pasasayahin ka nila sa laro. Kung pagod ka, tahimik silang mahihiga sa paanan mo. Kaya tinatawag na ”man’s best friend” ang aso. May mga aso na espesyal na sinasanay sa pag-amoy ng droga, bomba o prutas. May mga tagaakay sa bulag. May tagapastol ng tupa. May pang-hunting. Miski hindi trained ang aso, miski mongrel (askal) lang, napakatapat nila sa amo. Marami nang kuwento ng aso na nagligtas sa amo sa sunog, at nagbuwis ng buhay sa paglaban sa mababangis na hayop.
Hindi maipaliwanag ng mga scientists, pero tila may espesyal na relasyon din ang dolphins at tao. Sa Mindoro noong 1960s, may lumubog na barko at inanud-anod ang mga pasahero sa mapating na dagat. Biglang may duma-ting na pod ng dolphins at binunggo ang mga pating para umalis. Nangyari rin ‘yon sa isang US Navy ship na pinalubog ng German U-Boat sa Atlantic noong World War II. Niligtas ng dolphins ang sailors mula sa umaatakeng mga pating. Kamakailan sa San Francisco Bay may nasabit na balyena sa daan-daang metro ng lambat at lubid na panghuli sa alimasag. Dumating ang environmentalists at nag-dive sa malamig na tubig-dagat upang maingat na putulin ang nakasabit sa bunganga, buntot at palikpik ng balyena. Nang mapakawalan nila ito, hindi agad umalis ang balyena. Inikut-ikutan niya ang divers, malumanay na hinalikan bawat isa, nagpasalamat kumbaga, at saka pa lang lumangoy papalayo.
Wala ring eksplanasyon, pero sa burol may biglang pumapasok sa paruparo o ibon na ayaw umalis. Sinasabi tuloy na kaluluwa ‘yon ng yumaong, na nag-anyong hayop upang magparamdam na alam niyang nagdadalamhati ang mga nasa burol.
* * *
Lumiham sa [email protected]
- Latest
- Trending