^

PSN Opinyon

'Bitay sa mga nagbebenta ng double dead'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Bagamat aktibo ang mga kinauukulan at kabi-kabila ang mga kampanya sa pagsabat ng iligal na bentahan at bilihan ng karneng double dead, hindi natitinag ang mga nasa likod nito.

Partikular ang mga iligal na bentahan at bilihan ng mga karneng botya sa mga malalaki at kilalang palengke sa Metro Manila.

Matagal nang tinututukan ng BITAG ang problemang ito, may ilang otoridad na rin ang nagpakitang gilas hindi man sa aming program subalit, ang resulta, wa epek talaga.

Sa imbestigasyon ng bitag,  may supply and demand ang mga karneng double dead o botya.

May mga mapagsamantalang negosyanteng bumibili ng mga ito. Ang bagsakan, mga maliliit na negosyanteng may-ari ng karendirya at nagtitinda ng barbeque o ihaw-ihaw sa mga lansangan.

Kadalasan, ang pinupuntirya ng mga otoridad ay ‘yung binabagsakan na o kung san na kinakalakal ang botya.

Pero ‘yung pinanggagalingan, laging nakakalusot. Kaya magkahulihan man sa labas, tuloy pa rin ang negosyo na ito.

Iyong pinanggagalingan ng mga double dead o botya ay ‘yung mga pig farms o poultry farms.

Partikular ito sa mga probinsya ng Bulacan, Rizal at iba pang mga karatig -lalawigan.

Sa bawat pig o poultry farm ay may tinatawag na mortality o ‘yung mga namamatay na mga baboy at manok. Hot meat, double dead o botya na ang tawag sa mga ito.

Ang sistema, lingid sa kaalaman ng may-ari ang mga nangangasiwa ng farm at mga mangggawa nito   ang nasa likod ng mga pagbebenta ng double dead o karneng botya.

Sila ang source o pinanggagalingan ng botya, sila rin ang dahilan ng problema. Nakipagsabwatan sila sa mga nangongontrata na ang trabaho ay bilhin ang mga patay na hayop.

Mahina ang batas laban sa mga nahuhuli dahil hindi nakukulong ang mga nagbebenta at nagsu-supply nito. 

Kung may nahuhuli man, pagmumulta ng halagang isang libong piso higit pa ang parusang pinapataw sa mga nagkakasala.

Para sa BITAG, paigtingin at lagyan ng pangil ang batas laban sa mga nagbebenta ng double dead.

Ang dapat, mahabang panahon ng pagkakakulong at multa na di bababa sa li­mampung libong piso o higit pa. Puwede rin namang BI-TAY este BITAG sa mga mapapatunayang nasa likod ng iligal na kalakalang ito.

BOTYA

BULACAN

DEAD

DOUBLE

IYONG

KADALASAN

METRO MANILA

PARTIKULAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with