(Unang bahagi)
ANG kapabayaan o kakulangan ng pag-iingat sa pagtupad ng tungkulin bilang huwes na nagreresulta sa pagkaantala ng paglapat ng hustisya, kahit walang malisya, ay pinarurusahan din.
Noong March 13, 1970, nagsampa ng kasong frustrated homicide sa Korte ni Judge TP si Pacita isang residente ng isang bayan laban kay Ludy na residente din doon. Nag-isyu si Judge TP ng warrant of arrest para kay Ludy at itinakda ang piyansa sa halagang P15,000. Isinilbe kay Ludy ang warrant of arrest noong March 23, 1970 at nagfile siya ng mosyon upang babaan ang piyansa sa P6,000. Pinagbigyan ni Judge TP ang mosyon ni Ludy at itinakda ang preliminary investigation sa petsang April 14, 1970.
Mula noon hanggang March 27, 1971 ang kaso ay tinakdang dinggin ng 21 beses. Siyam dito ay ipinagpaliban sa kahilingan ni Pacita, isa naman sa kahilingan ni Ludy habang ang apat na pagdinig ng kaso ay kinansela dahil sa dami ng kasong naka takdang dingin ng Korte. Kaya, pito lamang sa itinakdang iskedyul ng pagdinig ang natuloy.
Ang bawa’t partido ay humingi ng 15 na araw upang i-file ang Memorandum nila ng magkasabay. Noong April 17, 1971 humingi si Ludy ng ekstensiyon upang mai-file ang Memorandum niya at pinagbigyan naman siya ng Korte. Sa bandang huli parehong hindi nag-file ng memo ang magkabilang panig.
Noong April 27, 1971 isinumite na ang kaso para resolbahin nguni’t hindi pa ito naresolba kahit nakalipas na ang 90 araw o hanggang July 27, 1971. Niresolba lang ni Judge TP ang kaso noong October 17, 1972 upang litisin sa Court of First Instance.
Sa loob ng 15 buwan mula July 27, 1971 hanggang October 17, 1972 kinolekta ni Judge TP ang kanyang sweldo bilang municipal judge at nagbigay ng sertipikasyon na lahat ng civil at criminal na kaso na isinumite sa kanya para desisyunan o gawan ng resolusyon sa loob ng 90 na araw ay napagpasyahan o nadesisyunan na bago gawin ang sertipikasyon.
(Itutuloy)