^

PSN Opinyon

Abusadong Arroyo appointees bistado

SAPOL - Jarius Bondoc -

LAHAT ng bagay may katapusan, lahat may pagtutuos. Unti-unti nang nabibisto ngayon ang abuso ng political appointees ni Gloria Arroyo sa mahigit 160 government corporations at financial institutions. Ginawa pala nilang palabigasan ang mga posisyon sa gobyerno. Inumentu­han nila ang mga sarili ng milyon-milyong pisong bonus­ mula sa pera ng mamamayan. Dapat silang mapa­rusahan.

Ihalimbawa ang ginawa ng 11 trustees sa Metropo­litan Waterworks and Sewerage System. Binisto ni President Noynoy Aquino sa State of the Nation na P94,000 kada buwan ang kinukubra nilang per diem kada buwan mula sa dalawang miting kada linggo. Bukod du’n meron pa silang katumbas ng 25 buwang bonus, na P94,000 din ang halaga ng bawat isa. Inimbento na nila ang kahit anong bonus. Merong bonus para sa linggo bago mag-Pasko, at meron din para sa linggo maka-Pasko, bukod sa araw mismo ng Pasko. Merong midyear at yearend bonus, at pati na rin bonus sa anibersaryo ng MWSS na bukod sa anibersaryo ng privatization nito. Umiling na nga si Sen. Frank Drilon na kulang ang letra sa abakada para gawing acronym sa iba’t ibang bonuses sa MWSS.

Nakagagalit din ang pagre-raid ng trustees na itina­laga ni Arroyo sa ating Social Security System. Kumikita na sila ng halos tig-P100,000 kada buwan sa per diem at allowances. Pero kumukubra pa sila ng tig-milyon-milyong piso bilang board directors sa mga kumpanya kung saan bimili ng investment shares ang SSS. Binisto ni Drilon sina SSS chairman Thelmo Cunanan, dati at huling president Cora dela Paz at Romy Neri, at trustees Sergio Ortiz-Luis at Sergio Apostol. Ibi­nulsa nila ang bonuses, profit shares at stock options mula sa directorships sa Philex, Union Bank at First Philippine Holdings Inc. Dahil sa pera ng SSS kaya sila naging mga directors, kaya dapat isinoli nila sa SSS ang salapi. Pero ibi­nulsa nila ang di bababa sa P300 milyon dahil sa kanila umano ito ibinayad. Kesyo pinaghira­pan daw nila ang perang iyon — pero sa atin ’yon.

vuukle comment

BINISTO

DRILON

FIRST PHILIPPINE HOLDINGS INC

GLORIA ARROYO

MERONG

PASKO

PERO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

ROMY NERI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with