^

PSN Opinyon

'Doctor 'nose' best'

- Tony Calvento -

(ikalawang bahagi)

NAGKATINGINAN sila ni Dr. Cenica at mahinahon niyang sinabi, “May malaking problema tayo sa ilong mo...baka hindi ko na kayanin ito”.

Nabigla si Janet sa mga katagang kanyang narinig. Na­ramdaman niyang namanhid ang kanyang katawan.

NUNG Miyerkules isinalaysay namin ang nangyari sa ilong ng isang dalagang si Janet na umano’y nasira ng isang ‘celebrity cosmetic surgeon’ na si ‘Dr. John Cenica’.

Aayusin na sana ni Dr. Cenica ang umano’y nasirang ilong ni Janet ng palabasin nalang ang dalaga sa operating room ilang oras matapos painumin ng Dormicum (isang gamot pampatulog).

“Bakit po Dok?” tanong ni Janet.

Paliwanag ng doktor isang ispesyalista na ‘reconstructive surgeon’ (isang surohero kung saan inaayos niya ang mga nasira na bahagi ng mukha ng isang pasyente) ang kailangan gumawa nito. Si Dr. Cenica ay galing sa cosmetic surgeon, nag­dagdag para mas gumanda ang mga pasyente. Binigyan niya si Janet ng referral letter kay Dra. Len Abugado.

Pagdating niya sa Clinic, iaabot palang niya ang sulat iba na umano ang pambungad sa kanyang ng doktora, “Iha, anung nangyari sa ilong mo?”.

Ipinaliwanag sa kanya ng doktora ang tamang proseso. Da­pat kinayas muna (scrape) ang dating nabulok na paraffin sa ilong niya. Hindi muna nilagay ang implant at hinayaan na maghilom ng ilang buwan. Hindi raw maaring pagsabayin yun.

Anim na buwan umano ang kakailanganin para maghilom ang sugat at dun palang pwedeng lagyan ng implant. Dagdag umano ni Dr. Abugado ayon kay Janet, possible umanong ma­hinto ang daloy ng dugo ng ilong kapag pinagsabay ang pag-scrape at implant.

“Hindi ko pwedeng galawin ang ilong mo! Siya dapat ang gumawa niyan hindi yung basta ipapasa ka nalang sa akin. Hindi ba pinaliwanag sa’yo na na-‘damage’ na ang ilong mo?” sabi umano ni Dr. Abugado kay Janet.

Sinubukang unawain ni Janet ang mga sinasabi ng doktara sa harapan niya. Sinubukan niya intindihin... dahan-dahan naramdaman niya namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis niyang nilisan ang klinik ng doktora. Sumakay siya sa taxi at sa loob ng taxi hindi niya namalayan na tuloy-tuloy na tumutulo ang luha sa kanyang mga pisngi. Di nagtagal umiiyak na siya na parang isang bata sa loob ng sasakyan.

Lumipas ang mga araw at linggo at sinubukan niyang mamuhay ng normal, harapin ang mundo sa gitna ng katoto­hanang alam niya na may diperensiya sa kanyang mukha. Hindi normal ang kanyang ilong.

Makalipas ang ilang buwan, nakaramdam nalang si Janet ng hirap sa paghinga. Dito siya nagdesisyong pumunta sa isang Reconstructive Surgeon na Dr. J.J Cruz ng Philippine General Hospital (PGH).

Diniagnose siya ng doktor na may problema na umano ang daanan ng hangin ng kanyang ilong (air paths). Kinailangan umanong kumuha ng kaunting balat sa kaliwang pisngi upang ipangtapal sa kanyang ‘columella’ (bridge ng ilong).

Halos isang taong hindi lumalabas ng bahay si Janet. Mga importanteng lakad lamang ang kanyang pinupuntahan. Lumiit at sumikip ang kanyang mundo.

“Pati mga kaibigan ko iniwasan kong makita. Naging desperada ako dahil sa aking kalagayan. Inaamin ko... ilang beses ko na ring naisip magpakamatay,” wika ni Janet.

Nanaig ang kanyang takot sa Panginoon at hindi niya itinuloy ito. Isang kaibigan ang nagpayo sa kanya na hindi niya dapat palampasin ang nangyari sa mukha niya. Dito na naisipan ni Janet na lalaban siya upang makakuha siya ng hustisya.

Tinimbang muna ni Janet ang mga bagay-bagay. Pinuntahan niya ulit sa clinic si Dr. Cenica. Kinausap siya ng doktor at sinabi umanong,“Tutulong akong pangpinansiyal para sa pagpapaopera sa iyong ilong.”

Nakakita siya ng isang Reconstructive Surgeon na taga Ohayo, USA. Pinaalam niya ito kay Dr. Cenica. Pumayag naman umano ito at sinabing ayusin na ang mga kakailanganin.

Nang makumpleto ni Janet ang mga papeles bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin. Pakiramdam ni Janet parang ayaw na siyang tulungan.

Dahil wala naman siyang pera pambayad sa medical procedure na kailangan siyang sumailalim inisip niyang gumawa ng mga legal na hakbang laban kay Dr. Cenica.

Nagsampa na siya ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries laban sa doktor nung Oktubre 2007.

Matapang na hinarap ni Dr. Cenica ang mga akusasyon ni Janet.

“Isa siya extortionist. Minsan na niyang kinasuhan ang mga nauna niyang doktor at hinihingian niya ito ng pera,” depensa si Dr. Cenica.

Ilang ulit naming sinubakang makausap si Dr. John Cenica subalit laging sinasabing busy siya at may operasyon daw siya. Nitong huli, nakausap namin sa telepono ang umano’y Marketing Manager na nagpakikilalang si Janet Foursing at mataray niyang sinabing, “Close case na yan. Nadesisyunan na yan kung gusto n’yo kausapin n’yo ang lawyer”.

Napag-alaman namin kay Atty. Katherine Sy, Executive Assistant ni Sec. Agnes De Lima ng Department of Justice (DOJ) na maaring mag-file si Janet ng Second motion for Reconsideration kaya yun naman ang ginawa niya.

Sa kabilang banda, dahil kami ay naniniwala sa isang patas na pamamahayag, ilalathala namin ang panig ni Dr. John Cenica ayon sa kanyang sinumpaang salaysay. ABANGAN sa LUNES. EKSKLUSIBO dito lang sa CAL­VENTO FILES sa PSNGAYON.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: [email protected]

CENICA

DR. CENICA

ILONG

ISANG

JANET

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with