^

PSN Opinyon

Dakilang miron

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

HINDI ka ba napatunganga sa pinakahuling statement ni DILG Secretary Jesse Robredo? Maaalalang si Sec. Robredo ay nasa kalapit na Emerald Restaurant, bahagi ng emergency meeting ni P-Noy at minomonitor daw ang sitwasyon nung gabi ng hostage tragedy. Sa Senado, aniya’y gusto na raw niyang ipatigil ang media coverage dahil napapanood ng hostage taker ang mga pangyayari sa TV. Nang itanong ni Sen. Legarda kung anong hakbang ang ginawa niya, inamin ni Robredo na wala na siyang ginawang follow-up dahil “akala niya’y may umasikaso na rito”.

Noong Miyerkules naman ay buong katapatang inamin ni Robredo na hindi raw siya isinali sa usapan. I was out of the loop!. Kahanga-hanga rin itong si Robredo. Biruin mong aminin sa buong bansa na hindi siya isinama sa decision making process ng kaga­warang kanya mismong pinamumunuan? Pero andun daw siya – nagmo-monitor! Ano ang mino-monitor niya gayong wala naman siyang ideya kung ano ang mga plano at desisyon ng kanyang sariling mga pulis? Sa madaling salita, nung gabing iyon, ang nagmo-monitor na Kalihim ay walang ginagawa kung hindi ang mag-MIRON.

Subalit hindi ito ang pinakasukdulan ng aking ikinagu­gulat. Saan nakuha ni Sec. Robredo ang lakas ng loob na aminin sa bansa ang kanyang kawalan ng kapang­yarihan sa kanya mismong kagawaran? Ano ang kanyang motibong aminin na, dahil ang expertise niya raw ay local government lang, tanging ang lokal na pamahalaan lamang ang kanyang kargo habang ang kapulisan ay teritoryo naman ng kanyang undersecre­tary for the interior? Sa tingin ba niya’y sapat na itong paliwanag upang siya’y huwag nang pulaan?

May naganap na trahedya. May mga bisita tayong namatay at nasaktan sa kamay ng sarili nating mga opisyal. At ang ahen­siyang may pananagutan ay ang DILG. Si Robredo ang Secretary ng DILG – hindi siya undersec­retary for local government only. Malinaw ang kanyang dapat gawin.

Tulad ng sinulat ni Sir Al Ped­roche kahapon: Ang golden boy na si Robredo ay naging tanso sa isang iglap. Sabi nga ng isang sikat at tinitingalang mayor ng isang progresibong lungsod sa lalawigan nang itanong ang kanyang formula ng tagumpay: “Lahat mag-uumpisa nang malinis ang talaan. Subalit kung mag­kamali ka — kahit minsan lang – you’re out!” Naiintindihan ito ng Kalihim. Ang mayor na nagbigkas ng mga imortal na salitang ito ay walang iba kung hindi si ex-Mayor Jesse Robredo ng Naga City.

DILG Sec. JESSE ROB­REDO

GRADE: 65

ANO

EMERALD RESTAURANT

KALIHIM

KANYANG

MAYOR JESSE ROBREDO

NAGA CITY

NOONG MIYERKULES

ROBREDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with