Mayor Fred Lim, nakahanda!
HINDI aatras si Manila Mayor Fred Lim, na harapin ang kahit anong investigation regarding sa hostage -taking drama last August 23 nangyari dyan sa may Quirino Grandstand.
Bakit?
Lumutang kasi ang pangalan ni Fred ng lumitaw ang report na kasama siya sa pagsisiyasat na ginagawa ng Senado.
May problema ba?
Wala natigil ang pagdinig sa senado kaya tigil satsatan muna. Hehehe!
Sa bida ni Lim, truth shall prevail kung ano talaga ang tunay na pangyayari.
Binanatan si Fred ng ilang kritiko porke wala daw silang ginawa ng mangyari ang drama sa Luneta aniya hindi puedeng makialam ang kahit na sino dahil may hostage negotiator noong mga oras na iyon.
Kahit na sinong bright hindi puedeng pumapel sa situasyon dahil magugulong lang ang drama este mali hostage taker pala kapag marami ang bida este kausap.
Sabi ni Fred, humingi sa kanya ng paumahin si dating MPD Director Chief Supt. Rodolfo Magtibay at inamin na nataranta lamang siya para masabi sa mga manggigisa este senado pala na si Lim ang nagpa-aresto kay SPO2 Gregorio Mendoza, utol ng hostage taker na si Sr. Inspector Roland Mendoza.
Sangdamukal kasi ang bumabaterya kay Fred mga kalaban nito dati sa pulitika mga galit sa kanya dahil napatino niya ang mga salbahe sa Maynila echetera.
Ano mga kamote kung kayo si Mayor Lim, ano ang gagawin ninyo?
Ang Luneta hostage incident kasi ay umani sangkatutak na critics worldwide kaya naman sa pangyayaring ito maraming nakisimpatiyang mga bansa sa 8 Hongkong nationals na natigok,
Dahil dito, pati si P. Noy ay nababatikos at halos lahat ng mga matataas na opisyal ng ahensiya na may kinalaman sa usapin ito ay hindi rin nakaligtas sa kritisismo.
Hindi lang ito ang malaking problema na dapat maayos ng Republic of the Philippines my Philippines dahil ang turismo at ekonomiya natin ay affected sa usaping ito.
Baka kung hindi mabibigyan ng madaliang lunas ang problemang ito ang madlang people sa Philippines my Philippines ang maperwisyo sa mga susunod na araw.
Bakit?
Sagot - patay ang negosyo.
‘Anong connect?’ tanong ng kuwagong mangunguto.
‘Walang banyagang pupunta ng Philippines my Philippines sa takot na baka maparis sila sa nangyaring hostage taking drama’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Bakit asan ba sila ngayon?’ tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Nagpa-booked sila pero pinakansela sa nerbiyos at sa mga naglabasan travel advisory.
Ano ang kailangan gawin?
‘Esep-esep ng maganda paraan para makahikayat tayo sa kanila na hindi delikado ang ating lugar.’ Sabi ng kuwagong maninipsip ng tahong.
‘Paano kung ayaw?’
kamote, ikaw ang sumagot!
Mag-boomerang kaya kay Rep. Singson ang hostage incident?
SANGKATUTAK ang kumakalat na news regarding kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, anak ni Governor Chavit na baka mag-boomerang sa batang Singson ang galit ng mga taga - Hongkong tungkol sa patayan blues matapos ratratin ni MPD Sr. Inspector Rolando Mendoza ang 8 Hong Kong nationals na ginawa nitong hostage noong August 23 dyan sa Quirino Grandstand.
May drug case kasi si Rep. Ronald sa Hongkong ng mahulihan ito ng 26.1 grams ng sinasabing cocaine at dalawang tabletas na ‘valium’ pag-arrived nito sa Chek Lap Kok Hongkong International Airport last July 11.
Pinayagan makapag-piansa si Rep. Ronald ng korte HK$1.5 million para sa kanyang pansamantalang kalayaan,
Sabi nga, sa drug rap!
Kung si House Speaker Sonny Belmonte ang tatanungin hindi siya naniniwala na gagantihan para maipit si Rep. Ronald sa kasong droga sa Hong Kong para lamang ipakita ng mga taga-HK ang galit nila sa Philippines my Philippines.
Sabi nga, different matter ang usapin.
Eight tourists sakay ng isang tourist bus na mamamasyal sa Manila mula Hong Kong ang natigok ng mag-collapse ang negosasyon sa pagitin ni hostage taker dismissed police cop Mendoza at mga negotiator sa MPD.
Ratratan umaatikabo pumalag si Mendoza at ng mapawi ang usok tigok ang hostage taker kasama ang walo pang turista.
Naggagalaiti sa galit hindi lang si P. Noy pati ang madlang people of the Philippines my Philippines at ang buong mundo ng mapanood nila ang ‘live coverage’ ng hostage taking drama.
Sabi nga, kapalpakan!
Kambiyo issue, Sa Sept. 7 ang pangalawang pagdinig kay Rep. Ronald Singson sa Hong Kong at ito ay muling sasaksihan ng dalawang kongresista na ipinadala ni Speaker sa Hong Kong para mag-observe sa case problema.
- Latest
- Trending