^

PSN Opinyon

JV dumepensa kay P-Noy

- Al G. Pedroche -

PARA kay San Juan Representative JV Ejercito, hindi dapat sisihin si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino sa “palpak” na operasyon ng awtoridad sa madugong hostage-drama kamakailan na ikinasawi ng walong turis­tang Chinese mula Hong Kong. Aniya, ang unang dapat sisihin ay ang nakaraang adminstrasyong Arroyo. Bakit? Na-focus daw ang kapulisan sa Maynila sa pagbibigay proteksyon kay Rep. GMA nang ito’y Presidente pa. Resulta: Napabayaan ang kinakailangang training sa pagresponde sa mga hostage situation.

Ayon naman kina Asec. Rey Marfil at Sec. Sonny Coloma, noong panahon ng panunungkulan ni Arroyo, nawaldas sa korupsyon ang pondong nakalaan sa modernisasyon ng pambansang pulisya at militar. Kaya raw kulang sa mga sandata at kasangkapan ang mga rumespondeng SWAT (as in Sorry Wala Ako Training).

Tanong ng barbero kong si Mang Gustin: “Naghuhugas kamay ba si Gloria nang padalhan ng sulat pakikiramay sina Chinese Prime Minister Wen Jiabao at Hong Kong Chief Executive Donald Tsang?”

Sa sulat ni Rep. Arroyo noong Agosto 26, nanawagan siya para sa katarungan sa mga biktima. Nangako rin ang dating pangulo na babantayan ang pagsisiyasat ng kasalukuyang administrasyon. Pero ang sabi ni Rep. JV – kung may dapat managot sa insidente, nangunguna na riyan ang kabaro niya sa Kongreso na si Gloria Arroyo at hindi si P-Noy.

Sa media forum sa Quezon City sinabi ni Rep. JV na mas naging training ng mga pulis na bantayan ang political adversaries ng dating Pangulo kaya hindi handa sa mga insidenteng gaya ng nangyari kamakailan. 

Oposisyon man si JV, ipinagtanggol niya si Presidente Noynoy Aquino sa harap ng mga paninisi rito kaugnay ng madugong insidente.

Water under the bridge! Nangyari na ang di dapat mangyari at magsilbing aral nawa sa kasalukuyang administrasyon. Pag-ukulang pansin na ang moderni­sasyon ng pulisya at military at pag-handaan ang pagsasanay sa iba’t ibang uri ng insidente ng mga pulis at sundalo.

CHINESE PRIME MINISTER WEN JIABAO

GLORIA ARROYO

HONG KONG

HONG KONG CHIEF EXECUTIVE DONALD TSANG

MANG GUSTIN

PRESIDENTE BENIGNO

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

QUEZON CITY

REY MARFIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with