^

PSN Opinyon

Maling akto ng paghiram

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NAKAHAIN sa sala ng isang judge ang tatlong kaso ni Leo. Isa rito ay ang kasong kriminal sa paglabag ng Anti-Fencing Law. Ang usaping ito ay tungkol sa isang berdeng pajero na nasa ilalim ng kustodiya ng Korte. Noong July 7, 1999 naglabas ng desisyon ang Korte na nagpawalang-sala kay Leo sa paglabag sa anti-fencing law ayon na rin sa rekomendasyon ng taga-usig. Noong June 2001, ipinahiram ni Leo sa Judge ang isang puting Pajero na may parehong plate number ng Pajerong sangkot sa kaso. Habang gamit ang sasakyan, hinuli ang Judge ng awtoridad. Kahit ipinakita ng Judge ang kanyang desisyon na i-dismis ang kasong Anti-Fencing Law laban kay Leo, nagsampa pa rin ng kaso ang State Prosecutor laban sa Judge sa paglabag sa Anti-Carnapping Law (RA 6539) at paglabag din ng Anti-Fencing Law P.D. 1612.

Ang kasong kriminal laban sa Judge ay dinismis ng Department of Justice kung saan ang resolusyon ng State Prosecutor ay inapela. Gayunpaman inirekomenda ng State Prosecutor na sampahan ng kasong administratibo ang Judge sa paglabag sa “Code of Judicial Conduct and of the Canons of Judicial Ethics”. Si George, isang pribadong tao ay nagsampa rin ng administratibong kaso laban sa Judge para naman sa “gross misconduct” at ang pagkakaroon at paggamit ng isang ninakaw na Pajero.

Bilang depensa sinabi ng judge na siya’y may mabuting kalooban at hindi niya alam na ang sasakyang hiniram niya kay Leo ay yun ding sasakyan na sangkot sa kasong Anti-Fencing na dinismis niya noong 1999, at kung alam niya ito’y sana hindi niya ginamit dahil sa delikadesa. Mananagot ba ang Judge ng kasong administratibo para sa serious misconduct?

MANANAGOT ang Judge. Hindi naman ipinagbabawal na manghiram ng sasakyan ang Huwes o empleyado ng Korte. Ngunit dahil sa uri ng kanilang trabaho hindi sila basta makakahiram kung ito’y may kinalaman sa pagtupad ng kanilang tungkulin dahil na rin sa uri ng kanilang hiniram, sino ang nagpahiram.

Sa kasong ito nagkasala ang Judge ng serious misconduct, una dahil sa paggamit at paghiram ng sasakyang alam niya ay sangkot sa kasong anti-fencing na siya mismo ang dumi­nig. Hindi niya maaring makalimutan ang sasakyan na Pajero kahit iba na ang kulay nito dahil pareho pa rin ang plate number at ito’y sumailalim sa kustodiya ng Korte ng ilang buwan din. Noong siya’y nahuli, ipinakita ang ginawa niyang desisyon na nagpawalang sala kay Leo ang nagpahiram sa kanya ng kotse, at pangalawa, hiniram niya ito sa isang taong may mga kasong nakasampa pa mismo sa sala niya. Kahit dinismis ng State Prosecutor ang kasong isinampa laban sa kanya ng DOJ, ang aktong kanyang kinilos ay nagpapakita lamang na siya’y iresponsable at walang magandang asal. Hindi maganda ang dating nito sa publiko dahil nalalagay sa kumpromiso ang integridad at katapatan ng mga Korte at nagbibigay duda sa huwes ay may kinikilingan. Dapat siyang magbayad ng P40,000.00 sa paglabag sa Rule 1.01 of Canon 1 at Rule 2.01 of Canon 2 of the Code of Judicial Conduct, at ang Canon 3 ng Canons of Judicial Ethics (Mercado vs. Sal­cedo, A.M. RTJ-03-1781, October 16, 2009; 604 SCRA 4).

ANTI

ANTI-CARNAPPING LAW

ANTI-FENCING LAW

ANTI-FENCING LAW P

CANONS OF JUDICIAL ETHICS

JUDGE

KASONG

KORTE

NIYA

STATE PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with