^

PSN Opinyon

Pasensiya na muna tayong lahat!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MUKHANG walang tinatantanang Pilipino ang mga taga-Hong Kong, sa kanilang galit at dismaya sa nangyari sa Manila. Si Sen. Jinggoy Estrada mismo ang nakaranas nito kailan lang nang magpunta sa Hong Kong para magbakasyon. Planado na bago pa maganap ang mga pangyayari sa Quirino grandstand. Pagkatapos tatakan ang kanyang passport ng opisyal ng immigration, ibinato pabalik na lang sa kanya! Hindi na lang daw pinatulan ni Jinggoy at sinabing naiintindihan niya ang galit ng mga taga-Hong Kong dahil sa nangyari.

Dalawang tatanggap sana ng Magsaysay Award mula sa China ay hindi na raw dadating. Hindi na rin dadating ang Vice Premier ng China. Tila mga protesta na rin ito sa nangyari. At unti-unting pumapasok na sa atin ang mga kuwento ng mga OFW na nakakatanggap ng mga sari-saring maltrato – maging sa pananalita o may kaugnayan sa trabaho. Katulad ni Jinggoy, wala tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat na iyan, sa ngayon. Pero sana naman, kung malaman ng mga opisyal ng Hong Kong ang ginawa ng nasa immigration kay Jinggoy, dapat punahin naman at humingi ng dispensa. Wala naman tayong binabastos na opisyal ng Hong Kong. Kapag walang ginawa hinggil sa insidente, alam na natin ang lalim ng sugat na kanilang natamo.

Lalo pa silang nagalit nang makitang may watawat ng Pilipinas na nakalatag sa kabaong ni Mendoza. Nagreklamo ang embahada ng China dahil hindi daw karapat-dapat dahil sa ginawang malagim na krimen ni Mendoza. Sang-ayon ako roon. Parang pinigaan ng kalamansi ang mga sugat ng mga taga-Hong Kong, kaya naman nagtuturuan na ang mga opisyal ng Tanauan, Batangas kung sino ang nagbigay ng watawat sa pamilya Mendoza para ilatag sa kabaong!

Gaano kaya katagal ang ganitong pagtatrato sa ating mga Pilipino, para sa isang insidente na hindi naman natin ginusto? Ang ipagdasal natin, ay maging pasensyoso na muna ang lahat kapag nakakatanggap ng masamang salita o kilos mula sa mga taga-Hong Kong at China. Pero lahat ng tao ay may limitasyon. Huwag naman sanang may masindihang mitsa dahil sa masamang pagtrato o pananalita, kundi babalik na naman tayo sa pinagsimulan natin. Kung hindi pa matiyak kung gaano katagal maghihilom ang mga sugat, pasensiya na muna tayong lahat!

vuukle comment

HONG

HONG KONG

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

KONG

MAGSAYSAY AWARD

MENDOZA

NAMAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with