^

PSN Opinyon

Ang tunay na handaan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

SA Aklat ni Sirak ay nagtagubilin sa atin ang Diyos: “Anak ko, maging mapagpakumbaba ka sa pagtupad ng tungkulin … habang ikaw ay dumadakila, lalo ka namang magpakumbaba”. Kaugnay nito ay muli kong hinaha-ngaan si President Noynoy. Ipinakita niya sa madla ang una niyang pagtanggap ng suweldo bilang presidente. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakasaksi ng katapatan at kababaang loob ng isang presidente. Naniniwala ako na wala sa kanyang puso at isipan ang pangungurakot sa kaban ng bayan.

Ipanalangin natin siya tuwina sa saliw ng Salmo: “Poon. Biyaya mo’y bigay sa mahirap naming buhay”. Matatamo natin ito kung lalapitan natin tuwina si Hesus, ang Tagapamagitan ng Bagong Tipan. Ako’y nagpapasa-lamat sa Espiritu Santo na tuwing paghahandaan ko ang kolum na ito ay palaging sumasagi sa aking isipan ang misyon ni President Noynoy.

Sa ating ebanghelyo ngayon ay itinuturo sa atin ni Hesus ang tunay na handaan. Una, huwag daw nating piliin ang mga tanging upuan, ibig sabihin huwag nating ipagmalaki sa ating kapwa ang ating pagdalo tuwing linggo sa ating simbahan kundi pawang kababaang-loob at paghingi sa Diyos ng kapatawaran. Ikalawa, maghanda din tayo ng kainan at ang tangi nating anyayahan ay mga pulubi at may karamdaman. Ibig sabihin unahin nating tulungan ang mga hikahos at may kapansanan.       

Dito sa ating bansa ay kataka-taka na tuwing linggong pagdiriwang sa ating simbahan lalung-lalo na tayong mga Katoliko ay kapansin-pansin na ang mga unang upuan ay mga bakante. Punumpuno sa hulihan at pawang nakatayo na lamang hanggang sa may pintuan. Ang lingguhang

 pagdiriwang ay sama-sama. Hindi ito espesyal na pagdiriwang katulad ng kasalan. Ang iba naman ay pinipili ang hulihan upang makaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pagdiriwang.

Kaya’t maraming nag-iisip na ang ating bansa ay tinaguriang “the only Catholic country in Asia”. Ito ba’y sa pangalan lamang? Hindi na dapat magtaka tayong mga Katoliko. Kung isinasabuhay natin ang kabanalan ng relihiyong ito ay masasabi nating punumpuno ang lahat ng simbahan tuwing Linggo at walang krimen ang magaganap sa kapaligiran.

Ikatuwa naman natin at ipagmalaki na ang ating mga kababayaan sa ibang bansa lalung-lalo na sa Amerika ay sila ang mga napakaaktibo sa lingguhang pagdiriwang sa kanilang simbahan. Nakapagtataka na halos mga Pilipino at lahing Pilipino ang nagdiriwang sa mga simbahan ng iba’t-ibang relihiyon. 

Sirak 3:17-18,20,8-29; Salmo 67; Heb 12:18-19,22-24a at Lk 14:1, 7-14

* * *

Text ni Fr. Benito Palad: “Pakibati naman ang kapatid ko na si Nitz Benito-Palad sa colum mo na laging nagbabasa ng Glorify Thy Name. Kapag hindi raw niya naiintindihan ang Sunday Gospel homily your column is a big help for her.”

ATING

BAGONG TIPAN

BENITO PALAD

DIYOS

ESPIRITU SANTO

GLORIFY THY NAME

HESUS

PRESIDENT NOYNOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with