Ano ang kasarian ng kagamitang ito?

BAKIT nga ba may kasabihan na kung nahulog ang kutsara sa hapag-kainan ay magkakabisita raw na babae, at kung tinidor naman ay lalaki? Papaano ba nagkaroon ng kasarian (gender) ang mga gamit pangkain? Nag-survey ng mga college students; tinanong kung ano ang kasarian, babae o lalaki, ng mga sumusunod pang karaniwang kagamitan:

• Photocopier: babae raw, kasi kapag na-turned off, matagal bago ma-warm up muli. Epektibo sa pagpaparami kapag pinindot ang mga tamang buton. Pero kung namali ka ng pindot, maari itong gumawa ng gulo.

• Gulong: lalaki, kasi mabilis makalbo, at madalas sobra ang hangin.

• Ziploc plastic bag: lalaki, kasi kayang-kaya ilulan lahat, at kitang-kita ang niloloob.

• Sponge: babae; malambot, masarap pisil-pisilin.

• Tren: lalaki; ‘yun na lang nang ‘yun ang ginagamit ang linya para pang-pickup ng tao.

• Webpages: babae; malimit pagmasdan at silipin.

• Martilyo: lalaki, dahil sa nakaraang 5,000 taon ay halos walang pinagbago sa anyo, at paminsan-minsa’y mainam meron nito sa bahay.

• Remote control: babae. Akala n’yo lalaki, ano? Pero isipin: nagbibigay kasiyahan ito sa lalaki, hilo siya kapag wala ito, at kahit madalas hindi alam ng lalaki ang tamang buton na pipindutin, patuloy lang siyang sumusubok at nagbabaka-sakaling merong mangyari.

• Swiss Army knife: lalaki; akala mo’y maraming kayang gawin, pero mahusay lang na tagabukas ng bote.

• Kidneys: babae; parating pares kung tumungo sa palikuran.

• Sapatos: lalaki; malimit madungis at lawit ang dila.

• Hot air balloon: lalaki; kailangan apuyan sa ilalim para umandar.

• Hourglass: babae; sa paglaon ng panahon bumibigat sa ibaba.

Lumiham sa jariusbondoc@workmail.com

Show comments