Layers of command responsibilities
BATUHAN ng sisi at turuan kung sino ang nagkamali sa nangyaring hostage drama last Monday.
Pulis at media ang sinisisi sa nangyaring insidente.
Bakit?
Palpak ang police rescue team sa hostage drama porke nag-mistulang mga amateur daw ang mga ito dahil katawa-tawa daw sila habang pinanonood sa telebisyon.
Sabi nga, walang maayos na kagamitan...flashlights, gas mask, bullet proof vest, night vision equipment echetera ang mga police assault team.
Sa parte ng mga media critics gusto nila magkaroon ng ‘news blackout’ kapag may ganitong pangyayari.
Ika nga, ano sila hilo!
Trabaho lang ang gusto ng media hindi ang magpasikat dapat kasi binigyan ng briefing ng ground commander sila bago sila pinaporma sa hostage drama.
Tama ba, mga kamote?
Dahil sa pangyayaring ito marami ang nagising sa katotohanan hinggil sa mga kakulangan ng kagamitan ng pulisya pagdating sa ganitong situation.
Tiyak marami ring mga pulitiko ang sasakay sa isyu para ‘mag-grandstanding.’ Hehehe!
Ang dapat sigurong gawin ng mga bright people sa government of the Philippines my Philippines ay magtulungan isama na rin ang mga gustong pumapel na pulitiko kung paano nila itatayo ang natumbang imahe ng bansa sa Hong Kong people at sa buong mundo.
Tiyak sa pangyayaring ito maapektuhan ang ating economy particular ang tourism.
Sa parte naman ng PNP nag-leave of absence na si MPD director Rudy Magtibay dahil sa pangyayari at command responsibilities.
‘May layers of command responsibilities sa PNP?’ Sabi ng kuwagong SPO-10 Sa Crame.
‘Ano iyon?’ Tanong ng kuwagong engot.
‘Una dapat may hostage negotiator, pangalawa may ground commander si Magtibay. Si Magtibay ay dapat mag-report sa pangatlo kung ano ang sitwasyon sa lugar si NCRPO bossing Leo Santiago, pagkatapos ibabato ni Santiago ang report sa kanya sa PNP Deputy Director for Operations si Gen. Andy Caro 111 ito. After all of this si Andy ang magbibigay ng lahat ng impormasyon sa Chief PNP na si General Jesus Ame Verzosa. Si Verzosa ay magbibigay naman ng kanyang report kay DILG Secretary Robredo at pagkatapos ng lahat ng ito si Robredo ang siyang magbibigay ng briefing kay P. Noy’ anang kuwagong salawahan.
‘Ito ang layers of command responsibilities’ sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
Kung anuman ang dapat pang mangyari sa ikakabuti ng Philippines my Philippines ito ang .....abangan natin, kamote!
Honda Quezon Ave., ano ito?
(2)
PROBLEMADO si Atty. Venice Andaya sa tsikot nitong Honda CRV-XNJ 315 na may sampung buwan na sa nasabing lugar dahil up to now ay hindi pa rin ito ginagawa.
Ang nasabing tsikot ay sa Honda Quezon Ave., branch binili ni Venice at nagkaproblema.
Ang payo ng mga kuwago ng ORA MISMO, para matapos na ang problema mo Venice tutal abogada ka sa Korte mo na dalhin ang ito upang maresolba agad dahil tiyak susunod ang bawat isa kung ano ang magiging court decision.
- Latest
- Trending