^

PSN Opinyon

Torture

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG paglutang ng video ng police brutality ay pinakahuling kumpirmasyon (pagkatapos ng malinaw na pag-salvage kay suspected carnapper Ivan Padilla) ng hindi makatarungang pamamaraan sa pagtrato ng mga suspect habang nasa kamay ng ibang elemento ng kapulisan. Ang akala ng marami ay natigil na ito ka­sabay ng pagsara ng madilim na yugto ng martial law sa ating kasaysayan.

Malacañang man ay nabigla sa pangyayari. Tulad ng inaasahan ay mabilis nilang kinondena ang torture at ginarantiya ang mabilis na resolusyon ng kaso. Siyem­pre hindi maiwasan ng mga Human rights groups na pumitik pa rin – kung maipakita lang daw sana ni P-Noy ang katumbas na galit tulad ng pinamalas noong inagurasyon laban sa wang-wang. Ang implikasyon ay kung sa wangwang desidido, dapat sa torture mas lalo. At nang ipaalala na sa panahon ni Marcos naging talamak ang ganitong mga kaso, para bang sinabing walang kinaiba ang administrasyon ngayon sa administrasyon noon. Maging ang Amnesty International ay bumanat – kulang daw ang ipinapakitang hakbang ng gobyerno sa proteksyon sa human rights itong unang 50 araw ng pamamahala ni P-Noy.

Panatag ang loob ko na, gaya ng pinangako ni P-Noy sa kampanya, itataas ng Pangulo ang respeto ng pamahalaan sa mga karapatang pantao. Bilang biktima mismo ng abuso, batid ng lahat ang paninindigan ng Pangulo laban dito. Isa ako sa mga naniniwala na hindi palalampasin ni P-Noy ang ganitong pangwawalanghiya sa batas, lalo na’t naganap ito sa ilalim ng kanyang pamamahala. Ang nangyari sa tahimik na Asuncion precinct sa Tondo ay may maingay na epekto sa Philippine National Police (PNP) Chain of Command sa Camp Crame.

Sa tindi ng pagkamuhi ng tao, inaasahan ang ma­bilis na resolusyon at, kung maari, malinaw na kaparusahan sa mga nang-abuso. Higit na mataas dapat ang ekspek-tasyon natin sa mga opisyal na may katungkulang bigyan tayo ng seguridad.

Kapag sila mismo ang umabuso sa mga prosesong nakatakda upang protekta-han ang ating ka­rapatan, sino pa ang ating tatakbuhan?

AMNESTY INTERNATIONAL

ASUNCION

BILANG

CAMP CRAME

CHAIN OF COMMAND

IVAN PADILLA

P-NOY

PANGULO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with