^

PSN Opinyon

New Delhi metallo-beta-lactamase

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BANTAY sarado ngayon ang mga international ports lalo na ang NAIA dahil sa new bacteria na natuklasan ang mga bright people na posibleng pumasok sa Philippines my Philippines ito ay tinatawag na ‘ New Delhi metallo-beta-lactamase o ‘SUPERBUG GENE’.

Ika nga, nakakamatay ang bagong bacteria at alaws pang antibiotics sa world na panlaban todits.

Kailangan matuldukan ang ‘superbug gene’ dahil magiging major global health problema ito kapag nagkataon.

Sabi nga, kailangan always clean....nakukuha ang ‘superbug’ sa taong may sakit nito at sa simpleng pagkamay lamang at pagkatapos ay maipunas ito sa mga entry point ng body tulad ng noise, ears, mouth at open wounds.

Presto may sakit ka na!

Hindi basta -basta ang paginom ng mga antibiotics kapag nagkaroon nito dahil pinahihina nito ang resistensiya sa anumang uri ng antibiotics na iinumin ng isang biktima ng ‘superbug.’

Sabi nga, hindi puede ang self prescribe medication.

Ang mga medical experts sa Amerika ay nagpalabas na rin ng global alert tungkol dito matapos na mag-warning ang mga British researchers na mabilis ang pagkalat nito sa ibang countries.

Ika nga, two cases na ang natukoy sa Canada, isa sa Alberta habang ang isa pa ay sa Vancouver area.

Umaabot sa 140 na kaso pa ang na-irecord sa India, Bang­ladesh at Pakistan. May ilang infected patients din sa Australia, U.S., Holland at Sweden.

Problema ng mga bright kung papaano magagamot ang superbug victims kasi nga, hindi umeepekto ang maraming antibiotics, maging ang tinatawag na carbapenems, na itinu­turing na pinakamatindi na sa mga antibiotics na ginagamit lamang sa panahon ng emergencies.

Kadalasan nakikita ang superbugs sa mga ospital pero nabubuhay din ito sa mga community.

Ayon sa mga expert, sinuman ang may auto-immune disorders, tulad ng HIV, chemotherapy patients, mapa - bata o matanda, may baktol o wala, pipi, bingi o bulag, pandak o matangkad, pangit o pogi, tomboy o bakla ay madaling kapitan ng bacteria.

BIR North Quezon City

TUMAHIMIK ang sinasabing ‘Davao Mafia’ dyan sa BIR North Quezon City porke nakikiramdam ang mga kotongero kay newly-appointed BIR Commissioner Kim Henares baka masibak sila anuman oras mula ngayon.

Nakiusap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Commissioner Henares the other week regarding sa mga kamoteng BIR employees na mahilig mambakal sa kanilang mga taxpayer ang sabi ng huli sa una tinitiktikan niya ang mga ito dahil maraming sumbong ang dumarating sa kanyang office regarding this issue.

Siguro pansamantalang titino ang grupo ng mga mam­babakal sa BIR dahil alam ng mga kamote dito na tinitiktikan sila ni Commisskoner Kim kasama na rin dito ang ‘lifestyle’ checking sa kanyang mga mandarambong na empleado.

Ang Davao Mafia, sa BIR North Quezon City ang dapat bantayan mabuti ni Commissioner Kim dahil maraming pinahirapan itong mga taxpayer na imbes sa gobierno napunta ang perang ibinakal ay sa mga bulsa nila pumasok. Alam kaya ito ni BIR RDO Ramil Narvaez ?

Kung hindi alam ni Narvaez ang nangyayaring bakalan sa kanyang tanggapan baka kung saan—saan ito pumupunta?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Imposible kasing hindi malaman ni Ramil ang mga nangyayari sa kanya office porke marami siyang matang na parang video cam na nakatutok sa mga employees niya at mga madlang taxpayer na papasok sa kanyang office.

Kamusta kaya ang performance rating ng BIR North Quezon City? Ito na lamang ang hinihintay ni Commissioner Kim todits bago niya balasahin ang sinasabi kung office.

Saan kaya pupunta ang ‘Davao Mafia’ ngayon pang na-olat ang kanilang amo sa last election. Magsama-sama kaya silang crying in the rain kapag nagkataon?

Saksakan ng lakas ang amo ng Davao Mafia kaya hindi sila masaling sa BIR noon nakapuesto pa ito dahil bagyo as in super storm ang kanilang bossing sa past administration.

Sabi nga, tignan natin ang lakas ng kamandag ngayon sa panahon ni P. Noy!

Abangan.

ANG DAVAO MAFIA

BIR

COMMISSIONER HENARES

COMMISSIONER KIM

DAVAO MAFIA

LSQUO

NORTH QUEZON CITY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with