^

PSN Opinyon

'Kapitan Ako...!'

- Tony Calvento -

(unang bahagi)

 SA BAYAN ng mga maliliit na langgam ang ‘hantik’ang siyang mag-hahari-harian!

Lumapit sa aming tanggapan si Benjamin Ramos, Danny Rodriguez at Roland Molina mga residente ng Barangay Masagana, Project 4, Quezon City. 

Inirereklamo nila ang ginagawang umano’y pamemersonal na panggigipit sa kanila ng Kapitan ng barangay. Siya si Kapitan Jhet Ginete ng Masagana. Talunan nung nakaraan eleksyon sa pagka-konsehal sa Quezon City.

Sa kanyang pagbabalik malupit daw ang sinapit ng mga residenteng nakatira sa likod ng barangay hall.

“Nawala ang harapan ng bakuran ang baranggay hall sa tapat namin. Pati ang ‘view’ at ang pagpasok ng sikat ng araw naharangan na rin,” reklamo ng tatlong ginoo.

Ayon kay Benjie galit sa kanila itong si Kapitan Ginete kaya ganyan ang pina-aprubahan na disenyo ng barangay hall.

Nobyembre 2009 daw ng nag-umpisa ang problema. Piyesta nuon ng magkaroon ng kasiyahan sa kanilang barangay.

Nagtayo ng mga ‘boots’ at nagtiyangge. Meron din ‘live band’ pgdating ng gabi para sa isang ‘concert’.

“Ginawang beer-garden ang barangay ‘compound’ at tumagal ng isang linggo ang selebrasyon. Kahit dis oras ng gabi tuloy ang ingay, mga tiangge at live band sa kanilang lugar”, sabi ni Benjie.

Maganda naman sana ang ganitong kasiyahan dahil dinagsa ng mga tao hindi lamang sa kanilang barangay kundi pati sa iba pang lugar.

Isang umaga matapos ang mahabang ‘concert’ nagulat umano si Benjie ng makita niya ang kanyang mga sasakyan at pati na rin ang sa kanyang kapit bahay na si Danny ay ‘na-vandalize’. Malalalim ang mga inukit na sa palagay nila ay ginamitan ng pako.

Anim na sasakyan na nakaparada sa labas ang napinsala dahil sa sinasabi nilang kakulangan sa security mula sa mga tanod ni Kapitana.

May mga suka sa paligid ng mga sasakyan na mag­papatunay na mga la­sing ang gumawa nito na maaring nanggaling sa loob ng ‘beer-garden’ ng barangay compound.

Mabilis nilang tinanong ang mga tanod kung meron nakakita ng pangyayari.

Walang masagot ang mga ito. Napag alaman nila Benjie na nung mga oras na dapat rumoronda ang mga tanod nandun sila sa beer-garden at abala sa pagtulong sa pagbebenta ng beer.

Hiniling nila na ipakita sa kanila ni Kapitana Ginete ang kopya ng resolusyon ng barangay kung bakit pinayagang gawing beer-garden ang compound. Tinapat sila umano na, “walang resolusyon at pinag usap-usapan lang namin yun.”

Tinanong ni Benjie kung sino ang mananagot sa nangyari sa kanilang sasakyan?

Sagot naman ni kapitana, “Paiimbestigahan ko na lang. Nasa labas naman ang mga sasakyan ninyo. Dapat ipinasok sa mga garahe ninyo hindi trabaho ng mga tanod na bantayan ang mga kotse.

Uminit ang pagtatalo ng magkasagutan. Nangatwiran ang mga may-ari ng mga kotseng napinsala.

“Dekada na namin pinaparada sa labas ng aming bahay ang mga sasakyan pero walang gumagalaw nun. Simula lang talaga nung nagkaroon ng beer-garden,” wika ni Benjie.

Pakiramdam nila ang sama na nga ng nangyari, sa kanila isinisi ang lahat. Iginiit naman nila na kung pinaghandaan ang ‘security’ ay maaring naiwasan ang insidente.

Dumaan ang Pasko at wala ng ganung insidente sa Barangay Masagana. Pagpasok ng Pebrero naging abala itong si Kapitana dahil nag-ambition itong maging konsehala ng Quezon City, District III.

Dahil sa mismong barangay ni Kapitana marami umanong hindi sang-ayon sa palakad niya na nakaapekto ito sa kampanya niya.

Dito na raw sila pinag-initan ni Kapitana. Lahat ng bumabatikos sa kanya, nagreklamo dahil sa insidente pinersonal na raw.

Abril 5, 2010 ng makatanggap ang mga residente ng anunsyo na nag­sasabing magpapagawa ng bagong barangay hall. Proyekto ito ni Herbert Bautista na dating Vice Mayor nung mga panahon na yun.

Uumpisahang daw gawin ito sa ika-12 ng Abril. Hindi raw kinunsulta at walang abiso sa mga residente tungkol sa planong ito. Biglaan at isang linggo matapos ang anunsyo giniba na umano ang dating barangay.

Masama ang kutob nila Benjie kaya nagtanong sila sa mga ‘barangay officials’ kung nasaan ang plano. Walang maipakita dahil wala daw nakaka-alam. Wala si Kapitana Ginete dahil naka-‘leave’ siya para sa kanyang kampanya.

“Nakausap namin si Kagawad Bucky Pumarada ang OIC nung Abril 28 kasama ang konseho at ‘city engineering’. Sa planong inilabas hindi ipinakitang ililipat pala ang barangay hall, ayon kay Benjie.

Nagulat na lang sila ng banggitin ni Bing Castillo ang architect ng City Government na utos umano ni Kapitana na ang baranggay hall ay itatayo malapit sa mga bahay nila Benjie at kanilang mga kapitbahay.

Nakiusap sila Benjie sa konseho na kung hindi maari sundin na lang ang dating pwesto at huwag naman ilapit ng husto sa kanilang bahay. Pumayag ang mga kagawad at binigyan sila ng sketch ni Bucky base sa kanilang napagkasunduan.

Ang nakalagay dun ay anim at walong metro (6.8 meters) ang layo ng bagong bakod ng barangay hall sa kanilang mga bahay. Ito ay sapat para makadaan ang kanilang mga sasakyan. Masaya na sana ang lahat.

Maayos ang naging usapan ngunit nung hapon din iyon dumating si Kapitana Ginete at binago ang lahat. Ibinalik ni umano ni Kapitana sa orihinal na plano na idikit ang bakod ng barangay hall sana ka hilerang bahay sa likod nila Benjie.

Hulyo 19, 2010 nakita nila Benjie ang contractor na si Engr. Fabian na nagsusukat sa gagawing Brgy. hall. Tinanong ni Roland, bayaw ni Benjie kung anong plano ang susundin sa lokasyon sa Brgy.

Nagulat sila Benjie ng makita sa plano na ang pagitan ng gagawin ng kanilang mga bakod ay 3.5 meters na lamang. Nanghingi sila ng minutes ng napagkasunduan na 6.8 meters na ang pagitan ngunit walang naibigay kina Benjie.

Hulyo 20 dala ang kopya ng plano at mga litrato nagpunta si Benjie sa Mayor’s Office ng Quezon City upang ipaalam ang kanilang reklamo. Personal niyang nakausap si Mayor “Bistek” Bautista.

Inutusan ni Bistek si Engr. Chito Cabungcal na inspeksyunin ang lugar.

Ika-29 ng Hulyo nagpatawag ng meeting si Cabungcal sa temporary barangay hall. Kasama ang bumalik na si Kapitana Ginete dahil tapos na ang eleksyon at hindi nga ito nanalo kaya balik barangay si Kapitana.

Nilinaw nila Benjie na malaki ang espasyo sa harapan ng Barangay. Ang sagot sa kanila ni Cabungcal ay baka may susunod pang planong gagawin dun.

Sinabi ni Cabungcal na kalahating metro (.5 meters) lang ang kaya nilang iurong.

Ika-3 ng Agosto muling lumapit sila Benjie kay Mayor Bistek at ipinakita ang adjustments na ginawa ni Cabungcal. Hindi pa rin sapat para makapasok ang sasakyan sa garahe.

Nagpasya sila Benjie at iba pang residente na humingi ng tulong sa aming tanggapan. Tinawagan namin si Mayor Bistek upang iparating ang mga reklamong ito.

Umaksyon naman ang batang mayor ng QC at ipinatigil ang paggawa ng barangay. Isang araw pa lang ang lumipas inireport sa amin ni Benjie na umpisa na naman ang trabaho at ngayon mas marami pang trabahador ang minamadali ang pagtayo ng bakod ng barangay.

Paano nangyari yun? Bakit biglang naiba yata ang pangako ng batang Mayor na paiimbestigahan niya ito. Ang bilis naman. Isang araw lang tira na naman!

ABANGAN SA MIYERKULES, ang pagpapatuloy ng seryeng ito. EKSLUSIBO dito lamang sa “CALVENTO FILES” sa PSNgayon.

Sa gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854. Ang landline 6387285 at ang aming 24/7 hotline 7104038. Maari   din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Email address: [email protected]

BARANGAY

BENJIE

KANILANG

KAPITANA

KAPITANA GINETE

LSQUO

NILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with