^

PSN Opinyon

Lumugar ng tama

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DAHIL sa kanyang “pagrereklamo” sa publiko ng kanyang umano’y demosyon sa ranggo, nilagay sa floating status si Navy Rear Admiral Feliciano Angue imbis na sa Naval Forces Western Mindanao Command. Sa pananaw ni Angue, ang paglagay sa kanya sa Mindanao ay tila pagbawas sa kanyang kasalukuyang ranggo. Para sa isang two star lang daw ang posisyon sa Mindanao. Dapat nasa three star na raw siya at matagal nang nag-alay ng serbisyo sa bansa at sa militar. Dahil sa publiko siya nagreklamo, tila nasisante. May mga tamang proseso at lugar sa militar para maghain ng reklamo kung sakaling pakiramdam ng isang sundalo ay agrabyado siya sa ilang patakaran katulad ng promosyon. 

Isa na namang halimbawa ng sundalo na tila pumapalag sa kanyang Commander-in-Chief, na sa sitwasyong ito ay si President Aquino. Sa isang demokrasya, ang sibilyan ang may otoridad sa militar, hindi ang kabaliktaran. Kaya nga ang pinakapinuno pa rin ng AFP ay ang presidente ng Pilipinas. Kapag hindi sumunod, sisante. Eh sa militar, napakahalaga ng pagsunod sa utos ng nakatataas na opisyal!

Hindi ba naiisip ni Rear Admiral Angue, lalo na’t siya’y galing ng Philippine Military Academy, na siya’y pinaaral ng bansa, partikular ng mamamayang Pilipino, at naging sundalo para silbihan ang bansa? Naiintindihan ko kung bakit tila nagalit si President Aquino nang magreklamo sa publiko. Parang nawala ang respeto niya sa chain of command, at nagreklamo na lang sa publiko para makuha ang awa ng tao. Pero paano mo naman babanggain ang isang presidente na napa-kataas ng approval rating?

Nagbigay ng babala si dating senador Rodolfo Bia­zon kay President Aquino, na dapat niyang pakinggan ang mga reklamo ng mga sundalo. Na hindi dapat binabalewala ang mga katulad ni Angue, at ang kanyang mga isyu. Siguro, kailangang alalahanin ni Biazon, na dati ring sundalo, kung sino ang nasusunod sa isang demokrasya. Dahil sa naging mambabatas din, mas mahalaga na sa kanya ang pagsunod sa tamang proseso at pamamaraan sa pamamalakad sa militar. Tuwing iniisip ng militar na sila na ang may kapangyarihan, laging malaking gulo ang nagaganap.

Sa ilang dekada nang lumipas na nagkaroon ng mga “problema” sa militar, tanging ang sibilyan na otoridad ang namamalagi.

ANGUE

DAHIL

MILITAR

MINDANAO

NAVAL FORCES WESTERN MINDANAO COMMAND

NAVY REAR ADMIRAL FELICIANO ANGUE

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PRESIDENT AQUINO

REAR ADMIRAL ANGUE

RODOLFO BIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with