'Angue, fall in line!'
ITONG si Navy Rear Admiral Feliciano Angue na nagreklamo sa kanyang demotion at si Police Senior Inspector Joselito Binayug na nakunan ng video habang tino-torture ang isang robbery suspect ay dapat gawing magkaklase sa isang sanitarium. Mukhang may mga maluwag na tornilyo silang dalawa.
Noong panahon ni illegal at overly corrupt na si Gloria Macapagal Arroyo, masyadong tahimik si Angue pambababoy ni GMA ng meritocracy sa AFP at PNP. Pati values na itinuturo sa PMA tungkol sa honesty at integrity ay dinuraan ni GMA dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang pandaraya at pagnakaw niya ng panguluhan noong 2004 elections sa tulong nina Gen. Hermogenes Esperon, Hello Garci at iba pa.
Maliban diyan, marami pang anomalya ang kinasang-kutan si GMA tulad ng NBN-ZTE scandal, fertilizer scam at iba pa. Ngunit may narinig ba tayong putak kay Angue? Buong bayan na ang nilapastangan ni GMA pero quiet lang siya. Ngayong hindi kapakanan ng bayan ang problema, kundi personal niyang interest na diumano’y inagrabiyado, siya’y putak nang putak na parang mother hen.
Angue should behave like a cock not like a hen. Nag-issue na ng order ang Commander-in-Chief niya na si P-Noy na tumahan na siya, kaya for his own sake, he should now fall in line. Huwag niyang subukan si Defense Secretary Volts Gazmin. Nakasama ko yan sa Washington D.C. noong siya ay Defense Attaché at ako naman ay Labor Attaché. Parang si Sitting Bull yan, pangiti-ngiti lang pero kapag umaksyon ay decisive at devastating. Kaya malaki ang paggalang namin diyan at ng mga kapwa niya defense attaché sa diplomatic corps.
Tahan na Admiral, tahan na. Kung ayaw mong magpaawat mag-resign ka tulad ng ginawa ko noong panahon ni GMA. Nilagay ko sa resignation letter, “I do not want to be a part of her overly corrupt and illegitimate government.” Admiral, saka-sakaling magbitiw ka, ito ang sabihin mo sa resignation letter mo. “I am resigning as Rear Admiral because i cannot be a part of P-Noy’s government since it is not a stolen presidency and not corrupt unlike that of my honorary classmate’s in the PMA Class of ‘78, Gloria Macapagal Arroyo. And now I’m ready to be a classmate of Senior Inspector Binayug.”
- Latest
- Trending