^

PSN Opinyon

Diborsyo

- Al G. Pedroche -

TUTOL si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino sa diborsyo na isinusulong ngayon sa Kongreso. Ayaw daw niyang makatulad ang Pilipinas sa Las Vegas na puwedeng “magpakasal sa umaga at magdiborsyo sa hapon”.

Hati ang sambayanan sa isyung ito. May ilang sector na pumapabor sa diborsyo at mayroong mahigpit ang pagtutol. Para sa isang tunay na Kristiyanong naniniwala sa itinuturo ng Biblia, kailanman ay hindi katanggaptanggap ang diborsyo. “Ang pinagtali ng Dios ay huwag papaghiwalayin ng tao” sabi mismo ng Panginoong Hesus sa Marcos 10:9.

Ngunit mayroong grupo ng mga kababaihan na matatag sa pagsusulong ng diborsyo. Mayroon daw kaso ng alitan ng mag-asawa na talagang wala nang kalutasan at ang ultimo remedyo lang ay diborsyo.

Para sa ating Pangulo, pabor lamang siya sa legal separation. Ito’y paghihiwalay ng mag-asawa at paghahati ng mga ari-arian pero hindi puwedeng mag-asawa muli.

Naniniwala ako sa Biblia kung kaya kasama ako sa mga tumututol sa diborsyo. Ang kasal kasi, lalu na sa simbahan ay hindi lamang kontrata na puwedeng baliin kundi isang covenant na panghabambuhay.

Walang perpektong pagsasama. Habang nagtatagal, nakikita ng mag-asawa ang kapintasan sa isa’t isa. Sinungaling ang magsasabing wala silang problema sa kanilang relasyon sa asawa. Kahit ang sa tingin nati’y perpektong pagsasama ay nakararanas ng mga mabibigat na pagsubok.

Kaya nga ang isa sa mga ipinapangako sa araw ng kasal ay ang pagsasama “sa hirap o ginhawa.” Kung may ginhawa kasi, siguradong may hirap. At kung patatangay ka sa hirap, hiwalayan talaga ang kasunod.

Marriage is a bed of ro-ses. Pero tandaan na ang rosas ay hindi rosas kung walang tinik.

Kapag nahiga ka sa isang kama ng mga rosas, tanggapin mo nang maluwag sa dibdib ang mga tinik na tutusok sa iyong laman.

AQUINO

AYAW

BIBLIA

DIBORSYO

DIOS

HABANG

LAS VEGAS

PANGINOONG HESUS

PRESIDENTE BENIGNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with