Malabo ang edu prog ng DepEd
NAKASIMANGOT ang madlang people regarding sa itinutulak na 12 years education program ng DepEd para daw matuto ng husto ang mga student sa Philippines my Philippines porke tayo na lamang daw sa buong mundo ang huli pagdating sa edukasyon.
Maganda ang drawing este mali panukala ng DepEd sa pagtulak ng nasabing program kaya lang sankaterba ang magkaka-problema dito lalo na ang mga ma-e-erap kasi nga sangdamakol pa rin ang naghahanap ng kanilang everyday na ikabubuhay.
Bakit?
Dagdag gastos ito dahil sangkaterbang mga parent ang napipilitan pag-aralin ang kanilang anak para kahit high school ay makatapos pero sa additional two years mukhang malaking problema ito.
Siguro sa may mga atik ok lang pero sa mga dukha na isang kain, isang tuka malabong mangyari ito.
Bakit?
Baka hindi na lang nila patapusin ng pag-aaral ang kanilang mga anak.
Ika nga, additional gastos sa kagamitan pang-school, dagdag baon, dagdag pasahe echetera.
Sang-ayon ang mga kuwago ng ORA MISMO, gusto ng DepEd ang pagtutulak ng droga este mali panukala pala na dagdag ng two years ang curriculum kaya lang mukhang malaking question mark ito dahil sa hirap ng buhay ngayon.
Madadagdagan ang gastos nila sa kanilang mga anak samantala hindi naman madadagdagan ang kanilang sueldo.
Pinay ginaya si Rep. Singson
HULI at dehins nakalusot ang isang Pinay ng makunan ito ng cocaine sa Hongkong.
Dumaan ang bebot sa NAIA tulad ni Rep. Singson pero nakalusot ito dito at sa nasabing bansa ito nahuli.
‘Maluwag ba ang security sa NAIA ?’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.
‘Kamote, iyang ang itanong mo kay MIAA general manager Honrado.’
Honda Quezon Ave., ano ito?
SAMA ng loob at naggagalaiti sa galit ang isang car owner na bumili ng brand new CRV na may plakang XMJ - 315 sa Honda Quezon branch.
Bakit?
Tumagal ng halos apat na buwan ang kanyang tsikot sa nasabing lugar kaya naman ng magkaroon ng singilan blues ay grabe as in grabe ang dapat niyang bayaran.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’ sabi ng kuwagong kamote.
Abangan.
- Latest
- Trending