Dagdag-eskuwela kailangan talaga
ANO NGA ba ang kailangan para tumalas ang high school graduates: Baguhin ang basic curriculum mula pa sa elementary, o dagdagan ng dalawang taon ang basic education?
Nu’ng una, ang balak ni bagong Education Sec. Arman Luistro ay baguhin ang basic curriculum sa elementary at high school. Bibigyan-diin umano ang paghahanda sa mga bata na magkahanapbuhay pagka- graduate, imbis na kung anu-ano ang itinuturo.
Pero nagbago ang pananaw niya. Sa pagrepaso sa basic curriculum, nabatid umano niya na puro na nga paghahanda sa hanapbuhay ang itinuturo sa mga bata. Ni wala nang tungkol sa sining, kultura, kasaysayan at lipunan. Hindi na nga buo ang paghuhubog sa karakter at pananaw ng mga bata. Tapos, kulang pa rin sa oras sa pag-aaral dahil kapos sa classrooms. Two o kaya three shifts ng mag-aaral sa bawat silid.
Nabatid din marahil na lahat ng mauunlad na bansa ay gumugugol ng di-bababa sa 15% ng national budget para sa edukasyon. Bukod dito, 12 taon ang basic education sa kanila, Grades 1-8 ang elementary at 4 na taon ang high school. Sa Pilipinas 10 taon lang, kaya pulpol ang mga graduates.
Hindi maitatanggi na kung mas matagal ang bata sa loob ng silid-aralan, mas maraming pumapasok sa kaalaman sa kanyang utak. Mangmang na magulang lang ang nagsasabing sapat na ang 10 taon para matuto ang bata maghanapbuhay. Abusadong magulang ang nagnanais na magtrabaho agad ang 16-taong-gulang na anak para mapakinabangan. Kung gawing 12 imbis na 10 taon ang basic education, mas matuturuan ang mga bata tungkol sa agham, teknolohiya at iba pang skills, Matataon din na magga-graduate sila sa high school sa hustong edad na 18-20. Hindi na tayo makakaki- ta ng employment advertisements na nagsasabing kailangang 2nd year-college ang aplikante dahil ito ang katumbas ng high school graduate sa ibang bansa.
Kapag 12 taon ang edukasyon, mas gagastusan ng gobyerno ang pagsasanay sa bawat kabataan.
- Latest
- Trending