'Bagong Salta (wala pa)'
NUNG Hulyo naisulat ko ang tungkol sa batang nawala sa Quiapo habang kasama ang isang ‘Chinese’. Una kong pinamagatan ang artikulong ito na “Bagong Salta”.
Ang tinutukoy ko ay ang 12 taong gulang bata na si Arnel Flores mas kilala sa tawag na “Nel”, laking Tablas, Romblon.
Ika-14 ng Abril ng isama si Nel sa Maynila ni Cook Siong G. Ang, may ari ng lupang sinasakahan ng mga magulang ni Nel at dalawang ferry boat.
Alam niyang dala ng kahirapan ang batang ito’y hindi pa ito nakakatuntong sa Maynila o nakakalabas ng Tablas kaya’t ng hikayatin niya si Nel na sumama sa kanya pumayag ito.
Isang gantimpala para kay Cook Siong na dalhin sa Maynila si Nel. Nakita niya kasi kung gaano kasipag si Nel sa pagtulong sa pagsaka. Pinasyal niya si Nel sa lungsod kung saan bago sa paningin niya ang lahat.
Hindi naman nag-alala ang ina ni Nel na si Arcena. Nasa Maynika rin kasi ang dalawang anak niyang si Arcile at Nemuel. Ayon pa kay Arcile pinangako ni Cook Siong na siya ang bahala sa bata.
Makalipas ang dalawang araw nabalitaag nalang ni Arcile mula sa sekretarya nitong Chinese na nawawala na itong si Nel at kasalukuyang hinahanap ng mga tao ni Cook Siong sa Quiapo.
Sinubukan nilang kausapin si Cook Siong subalit hindi nila ito ma-contact. Gumawa ng sariling hakbang sila Arcile at Nemuel. Nagpa-blotter sila sa Manila Police District, UN Ave. Humingi ng tulong sa mga kalapit barangay sa Paterno St. Quiapo kung saan huling nakita ang bata. Nagkipag-ugnayan rin sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sakaling mang may makadampot kay Nel at i-turn over sa kanila ay agad silang matawagan.
Dalawang linggo na nilang hinahanap si Nel subalit wala pa ring nangyari kaya’t naisipan nilang humingi ng tulong sa amin. Ika-29 ng Abril ng makausap namin si Arcile kasama ang tiyang si Mylie Villmer. Kinwento nila lahat ng ito sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882KHZ (tuwing 3:00 ng hapon).
Para sa isang patas na pamamahayag kinapanayam rin namin sa radyo si Cook Siong upang makuha ang kanyang panig sa usaping ito. Kinwento ni Cook Siong habang nasa isang Chinese Restaurant ay iniwan niya sa labas si Cook Siong kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Makalipas ang isang oras ng babain niya ang bata ay wala na ito.
Hinanap niya umano sa buong Quiapo si Nel subalit hindi na niya ito nahanap. Depensa niya hindi naman siya sumusuko na mahanap si Nel. Nakipag-ugnayan na rin siya sa DSWD, pulis at mga barangay. Pati kaibigan niyang manghuhula pinagtanungan niya. Sinabi umano nitong baka nasa tulay si Nel subalit wala naman ito run ng kanyang puntahan.
Hindi naman tinanggap ni Arcile ang paliwanag ni Cook Siong kaya bilang tulong, tutulungan namin si Ars na magsampa ng ‘petition for habeas corpus’ sa Korte para ilitaw si Nel o R.A 9208 o Anti Human Trafficking Law dahil malay ba namin kung saan napunta ang bata.
Ibinigay namin ang lahat ng mga papeles ukol sa insidenteng ito kay Atty. Alice Vidal, Presidente ng UE Law Alumni at officer ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang siya na ang gumawa ng kaukulang aksyon.
Mabilis naman ang naging aksyon ni Atty. Vidal sinulatan niya ng ‘demand letter’ si Cook Siong para mailabas ang bata sa lalong madaling panahon.
Nitong Hulyo 9, 2010, nakatanggap ng sulat si Atty. Alice mula sa abogado ni Cook Siong na si Isabelo G. Tomas. Nakasaad dito na ang ina ni Nel na si Arcena ay kasalukuyan umanong na kila Cook Siong hindi para sa pagkawala ng anak kundi sa trabaho nito.
Tinanong ni Cook Siong kung nagpunta ba sina Arcena sa abogado na para sa kaso ng pagkawala ni Nel. Tinanggi umano ito ni Arcena. Hindi daw siya humingi ng tulong sa kahit anung ahensya maging sa akin at sa aming tanggapan.
Hindi daw kami kilala ni Arcena kaya’t wala daw kaming karapatan na utusan si Cook Siong na ilabas ang bata. Ayon pa kay Atty. Tomas, hindi tumitigil ang kanyang kliyente sa pagtulong sa paghanap sa bata ng sa ganun ay maibalik na ito sa kanyang ina.
Dahil sa sulat na aming natanggap kinuha naming muli ang panig nila Arcile sa akusasyon ni Cook Siong upang patotohanan o pabulaanan ang laman ng sulat na aming natanggap.
Muli pa, nakapanayam namin sa radyo nitong ika-22 ng Hulyo ang tiya ng bata na si Mylie.
Totoo umanong nakila Cook Siong si Arcena dahil isa itong ‘tenant’ sa lupang pag-aari nitong Chinese subalit alam umano nito na humingi sila ng tulong sa amin.
“Hindi totoo yan! Alam ng magulang ni Nel na lumapit kami sa inyo, sinungaling yan si Cook Siong,” giit ni Mylie.
Sa ngayon halos apat na buwan ng hinahanap nila Mylie ang pamangkin. Ayon sa kanya hindi naman nakikipagtulungan sa kanila si Cook Siong. Ni hindi umano nila ito makausap.
Ang paglilinaw na ito ni Mylie ang nagpapatunay na parang may kasinungalingan talaga itong si Cook Siong. Wala raw kaming karapatang hanapin sa kanya ang bata dahil hindi naman daw lumapit sa amin ang pamilya ni Nel. Nagkakamali ka dyan! Tinutukan namin ang kasong ito, mahanap lang si Nel na ginawa mong taga bantay ng kotse.
Malinaw na pagpapabaya ang iyong ginawa. Gaya nga ng nauna kong sinabi, malay ba nila Arcile kung saan mo dinala ang bata. Ang malinaw, ikaw ang huling kasama ng 12 anyos na si Nel kaya’t malinaw na nasa custody mo ang bata ng siya’y mawala. Patuloy mo pa ring kakaharapin ang mabigat na kasong R.A 9208 o Anti Human Trafficking Law at Petition for Habeas Corpus.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Kami rin naman ay nanawagan kung sino ang may impormasyon kung nasaan si Nel ay maaring ipagbigay alam kay Monique Cristobal sa aming sa numero 6387285 o magtext 09213263166 o 09198972854. Maari din kayong magpunta sa 5th floor Citystate Center Bldg. Shaw Blvd. Pasig City.
SA MGA MAHILIG sa karera ng kabayo TUTUKAN ninyo ang mga tips sa aming “sister tabloid” na Pang Masa (PM). Aba sina Romualdez, Siyanong at Arturo nung Sabado nagbigay ng mga dehadong nanalo. Mga “long shots” na kung nasundan ninyo maari sana kayong naging ‘one winner’ sa ‘Winner Take All’ na milyon ang ibinigay.
Hindi ko kilala ang mga ito at napatawag ako sa aming publisher na si Miguel Belmonte upang iparating sa kanila ang aking pagbati. Malaking tulong yan sa mga mahilig sa sport na yan. “Small capital lang pero big dividends”.
Subukan ninyo sundan ang kanilang mga tips sa PM.
* * *
Email address: [email protected]
- Latest
- Trending