^

PSN Opinyon

Pag-aakyat sa langit

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

TUMUGMA ngayong araw ng Linggo ang Dakilang kapis-tahan ng Pag-aakyat sa langit ng Mahal na Birhen Maria, Assumption of the Blessed Virgin Mary at sa wikang kastila ay Asuncion al Cielo de la Virgen Maria. Ang pagdiriwang na ito ay sinimulan pa noong ika-anim na siglo sa Eastern Church ng mga Griego o Greek Orthodox Church. Inihatid naman sa Roma ang pagdiriwang noong ika-pitong siglo at noon lamang Nobyembre 1, 1950 pinagtibay ni Papa Pio X11 bilang isang dogma sa simbahang Katoliko Romano na si Maria ay iniakyat sa langit sa kanyang kabuuang katawan at kaluluwa. Ito’y isang paanyaya sa lahat na magpakabuti bilang paghahanda sa kaharian ng langit.

Pinagtibay ito ni Apostol Juan sa aklat ng Pahayag: “Nakita ko ang isang babaing nararamtan ng araw at makatuntong sa buwan. Sa ulo ay may koronang binubuo ng 12 bituin.” Maging ang Salmo ni David na mahabang panahon pa bago maganap ay nagpatunay. “Nasa kanan mo ang reyna, maningning sa ginto’t ganda”.

Maging sa liham ni Pablo sa mga taga-Corinto ay ipinamalas sa atin na kung paanong mamamatay tayo ayon sa ating kaugnayan kay Adan at magkakaroon din tayo ng panibagong buhay ayon naman sa ating kaugnayan kay Hesus “ayon sa kanya-kanyang takdang panahon”.

Ang pag-aakyat sa langit kay Maria ay isang gantimpala ng Diyos sa pagiging ina ng Anak ng Ama. Binati siya ni Elisabet: “ Pinagpala ka sa mga babae at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan”. Ang ta-               nging nasabi ni Maria ay papuri sa Diyos: “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking tagapagligtas sapagka’t nilingap Niya ang Kanyang abang alipin”.

Si Maria ang bagong Eba na nanganak sa bagong Adan. Siya ang Saksi sa ba­gong regalo ng Diyos sa atin na puno ng buhay, kapurihan at pag-asa. Pinagtibay na ng buong daigdig ang mga himala ng Mahal na Birhen Maria sa Kanyang mga panalangin, pagtulong at pagka-awa sa atin. Napakaraming lugar na pinipintakasi natin si Maria. Akala ng marami na napakaraming ikalawang pangalan si Maria, meron daw Fatima, Lourdes, Antipolo, Caysasay, Mamauag, Dolores, Biglang-Awa at marami pang iba. Iyon ay ang pangalan ng iba’t ibang lugar na doon nagpahayag ng awa at tulong sa atin si Maria. Maria, aming Ina, ipanala-ngin mo po kami. Amen!

Pahayag11:19, 12:1-6,10; Salmo44; 1Cor15:20-26 at Lk1:39-56

ADAN

APOSTOL JUAN

ASSUMPTION OF THE BLESSED VIRGIN MARY

BIRHEN MARIA

DIYOS

EASTERN CHURCH

GREEK ORTHODOX CHURCH

MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with