^

PSN Opinyon

Kakasuhan na sa wakas ang 'Euro Generals'

K KA LANG? - Korina Sanchez -

PAGKALIPAS ng dalawang taon, umusad na ang kaso laban sa mga binansagang “Euro Generals”. Hindi kaya dahil binatikos sila ni Sen. Miriam Defensor-Santiago? Ang “Euro Generals” ay ang grupo ng mga pulis na hinuli dahil sa dami na dalang pera habang paalis na ng Russia. Ayon sa Ombudsman, na tumanggap ng batikos mula kay Santiago, dahil sa kabagalan nila kumilos hinggil sa kasong ito at iba pang mga kasong katiwalian, nagsinu-ngaling ang mga pulis ukol sa pinanggalingan ng pera. Sa kanilang imbestigasyon, hindi galing sa pondo ng PNP ang €105,000, o higit anim na milyon piso noong panahon na iyon. Ang masama pa, pinagtakpan pa ng PNP ang pagkakamali ng kanilang opisyal. Pero nakita na hindi talaga galing sa pondo ng PNP ang pera. Kaya kinakasuhan na sila, kasama pa ang mga sibilyan na kasama rin sa biyahe at mga asawa nina PNP Director General Jesus Versoza at De la Paz.

Magandang sundan ang kasong ito, na sinampa na sa ilalim ng isang bagong administrasyon. Pati ang dating hepe ng PNP na si Gen. Avelino Razon ay kasama sa mga kakasuhan, dahil sa kanya at iba pang testimonya na galing sa PNP ang pera. Kung ano ang mangyayari sa kasong ito, kung saan akusado ang ilang dating opis­yal ng PNP ay tiyak na pag-iinteresan ng mamamayan. Kung kailan naman nagpupursiging baguhin ng PNP ang kanilang imahe, ganito naman ang mangyayari.

Akala siguro nina De la Paz ay magagawa nila ang kahit anong pwede nilang gawin sa ibang bansa, dahil ganun ang kanilang nakasanayan dito sa Pilipinas. Akala na dahil pulis sila, hindi na sila sakop ng anumang batas ng ibang bansa. May batas na bawal ang maglabas ng higit sampung libong dolyar. Pero dahil mga pulis at heneral pa sila, hindi binigyan ng pansin ng umalis. Pero ibang kuwento na pagdating sa Russia. Pauwi na nga nang mahuli. Ngayon, kaso pa ang hinaharap, sa ilalim ng bagong administrasyon na kasalukuyang nililinis ang mga basurang iniwan ng nakaraang administrasyon. Para na ring nangyari kay Rep. Singson, na hinuli sa airport ng Hong Kong dahil may dalang ilegal na droga. Nung paalis, dahil Kongresista, pinalusot na lang. Pero ganun din, iba na kapag nasa ibang bansa.

Tama lang na halos lahat ng kilos ni President Aquino ay pagpapakita ng pagiging mapagkumbabang tao. Umiral na rin kasi masyado ang pang-aabuso ng kapangyarihan sa ilalim ng administrasyong Arroyo, kaya akala kayang pairalin na rin sa buong mundo.

AVELINO RAZON

DAHIL

DIRECTOR GENERAL JESUS VERSOZA

EURO GENERALS

HONG KONG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PAZ

PERO

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with