^

PSN Opinyon

Bayan ang pag-asa ng kabataan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

KAHAPON ipinagdiwang ang International Youth Day – ang araw na tinakda ng United Nations upang tuunan ng pansin ng daigdig ang mga usaping pangkabataan.

Tugmang-tugma ang ulo ng balita kahapon na ibinandera ang posisyon ng Pamahalaang Aquino sa Sanggunian Kabataan (SK). Matagal nang napapag-usapan ang kapalaran ng organisasyong ito sa harap ng mga batikos na natatanggap maging sa sarili nitong mga tauhan. Nariyan ang panukalang i-postpone ang eleksyon; meron ding nagtutulak tulad ni Vice President Jojo Binay na gawing appointive ang SK. Si P-Noy ay sumabak na rin. Dala ng kanyang exposure bilang dating Kongresista at Chairman ng Local Government committee sa Senado, inanunsyo niya ang paniwalang dapat i-abolish na ang SK.

Paano bang nangyari na ang isa sa pinakamagandang programa para sa pagsanay ng kabataan sa res­ponsibilidad ng pamumuno at pakikilahok sa nation-buil­ding ay nagbunga ng nakakadismaya? Sa buong kapuluan talamak ang balitang kasama na rin ang mga opisyal ng SK sa mga kaugalian ng graft and corruption sa kanilang lokalidad. Siempre marami pa ring mga SK na talaga namang matapat at maasahan. Pero tila napapabilang na sila sa minorya. Maging ang mga opisyal ng National Youth Commission at ng mismong Pederasyon ng SK ay aminado na nangangailangan ng pagbabago sa baitang ng mga nanunungkulan. At kung hindi man kurapsyon ang puntiryahin, makikita rin sa pagsuri ng pondo na karamihan ay nasasa-yang sa mga proyektong walang saysay sa kabataan.

Umpisahan ang paglilingkod habang maaga – isa itong motibasyon sa likod ng pagkatatag ng SK – nang ha­bam­buhay ay mapanatili ang katapatan ng intensyon na natutunan habang bata. Babaguhin ang sistema ng tradisyonal na pulitika sa bansa. Ang problema’y kabaliktaran ang nangyari — maaga pa lang ay naging tradisyonal na pulitiko na ang mga bata. Nagkulang yata sa mekanismo upang mailayo ang mga opis­yal nito sa tukso.

Oras na upang pag-aralan ang sistema ng pagdevelop ng mga lider ng kinabukasan. Kung lumabas na hindi nga epektibo ang SK, dapat lang na itoy buwagin. Subalit sana nama’y hanapan ito ng bayan ng mas epek­tibong sistema. Hindi pa rin dapat isuko ang pag-asa na ang kabataan ang magliligtas sa lipunan at ang magbabago ng pulitika nito.

Mayroon pa ba ta-yong ibang aasahan?

BABAGUHIN

INTERNATIONAL YOUTH DAY

LOCAL GOVERNMENT

NATIONAL YOUTH COMMISSION

PAMAHALAANG AQUINO

SANGGUNIAN KABATAAN

SI P-NOY

UNITED NATIONS

VICE PRESIDENT JOJO BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with