^

PSN Opinyon

'Pumalag man, sa ina pa rin...'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

LUMULOBO na ang mga kasong pagdukot at pagtatago ng mismong mga magulang sa kanilang mga paslit na anak.

Kalimitan ang mga kasong ito ay resulta nang hiwa­layan ng ina’t ama, kasal man o kinakasama lang. Nag­babangayan kung sino ang may kostudiya sa bata.

Ang batang anak ang laging nalalagay sa kalituhan dahil sa paghihiwalay ng magulang.

Malinaw ang ating batas dito sa ating bansa na nakasaad sa Family Code na ang ina ang may kostudiya sa bata simula pagkasilang nito hanggang pitong taong gulang.

Kapag umabot sa gulang na pitong taon ang bata, saka lamang ito bibigyan ng pagkakataong mamili kung sino ang kaniyang sasamahan bilang mangangalaga sa kaniya.

Subalit ang batas na ito, sa panahon ngayon, nababalewala lamang.

Kaya naman ang BITAG, nilalagyan namin ng pangil at ipinatutupad ang batas na ito sa pamamagitan ng pagpapakilos sa mga kinauukulan.

Isang kaso na naman na may kinalaman sa batas na ito ang inilapit sa BITAG , mapapanood ngayong Sabado ng gabi.

Dahil sa pambubugbog at pananakit ng kanyang mister, nagpasyang makipaghiwalay ang beinte sais anyos na ginang na lumapit sa amin.

Itinakas ng kanyang mister ang kanilang limang taong gulang na anak na babae at apat na buwang itinago sa kanya.

Kilala at maimpluwensiya ang pamilya ng kanyang mister kung kaya sa BITAG siya diretso na lumapit.

Kilos pronto, sa tulong ng Criminal Investigation and Detection Group-Malolos Bulacan at ng Municipal Social Welfare and Development Officer ng Bulacan, Bulacan, naisagawa ang pagbawi sa bata.

Natural na eksena na lamang ang puma­lag at makipagbanga­yan ang biyenan sa ina ng batang kinukuha ang kanyang anak.

Sa kasong ito, nag-ala rag-doll ang bata dahil pinag-agawan ito ng dalawa. Sa kabila ng pagmamatigas ng mga biyenan, sa huli, naipatupad pa rin kung ano ang nasa batas.

Payo ng CIDG at MSWDO Bulacan para sa mga kamag-anak o kapamilya ng iba pang may ganitong kaso, alamin, kilalanin at sundin ang nasasaad sa ating batas upang malaman ang inyong kalalagyan.

Panoorin ngayong Sabado ng gabi sa BITAG.

BATAS

BULACAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-MALOLOS BULACAN

DAHIL

FAMILY CODE

ISANG

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICER

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with