^

PSN Opinyon

Quo Vadis CPNP?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Ang ibig sabihin ng ‘Quo Vadis,’ ay Where are you going, para sa mga Romans o Latin.

Sa banal na biblia naman, “Simon Peter said unto him... ‘Lord, whither goes thous?’(John 13:36)

Sa book na “QUO VADIS,” na isinulat ng Polish Nobel prize winner na si Henryk Seinkiewics, isang Latin scholar at historical researcher noong 1896, ay nakalagay....’Quo Vadis, Domine,’ o as the apostle Peter would say in common parlance, “Where do we go from here, Lord?”

Legend has it that Peter sought to flee Rome after the seeming destruction of the Christian church there, resulting from persecution under Nero.

He was supposedly not afraid, but rather wished to preserved the rest of the church in the light of the victory of Antichrist (Nero) in the new Babylon (Rome).

But the Lord’s response to “Quo Vadis?” was for Peter to return and die with his brethren, not in defeat, but as a sign of victory over the powers of darkness.

Whether this legend is true or not, we all know the outcome.

Tamang-tama ang nasabing book na Quo Vadis sa napabalitang early retirement ni Chief PNP Jesus Ame Verzosa at kanyang mga classmate sa PMA ‘MAGILAS’ Class 76.

Ibig ni Jess na magretiro na at maging maging simpleng magsasaka sa kanyang maliit na sakahan.

Ang decision making ni Jess ay humakot ng sangkaterbang reaction sa madlang people of the Philippines my Philippines.

Bakit?

Sa huling Pulse Asia madlang bayan survey umani ng pinakamataas na awareness level na 87% si Verzosa.

Ang kanyang trust rating na 67% ay pumangatlo sa mga bagong hirang na government officials ng P. Noy Administration.

Pinuri din si Jess ni House Speaker Sonny Belmonte ang desisyon ng una pero sana daw ay tapusin niya hanggang pasko na araw ng kapanganakan ni “JESUS” Verzosa.

Sabi pa ni Belmonte,’ He has been a stabilizing factor in the PNP.’

Ayon kay Senator Chiz Escudero, nakakalungkot ang kanyang maagang pagretiro dahil marami siyang nagawang reporma sa PNP.

Sabi nga, it is a selfless act on the part of the CPNP.

Halos ganito din ang sinabi ni Bishop Yniguez, CBCP Public Affairs Official, na pinuri ang desisyon ni Jess na sanay may paggamitan si P. Noy sa talents nito.

Dapat itong maging halimbawa sa iba pang holdover officials ng GMA administration.

Si Verzosa, ay tunay na officer and a gentleman at ang pagpaparaya niya ay para sa pag-angat ng mga young officer sa PNP.

Ang promotion ladder sa PNP ay isa sa mga gridlock ng organisasyon at bilang reform champion, ginusto ni Verzosa na ipatupad ang tunay na transformation program.

Sa ngayon ay wala ng makakatawad sa professionalism ni CPNP Verzosa dahil nanindigan ito noon huling May 2010 elections para sa HONEST, ORDERLY AND PEACEFUL ELECTIONS.

Hindi naging maganda para kay ex-PGMA ang naging controver­sial headline na “ I WILL NOT FOLLOW ILLEGAL ORDERS.”

Naghanda ng malakas na puersa ang PNP at AFP upang manindigan para sa demokrasya kung sakaling matuloy ang umano’y maitim na hangarin ng mga GMA loyalists.

Kaya ng matapos ang May elections at sa unang Monday flag ceremony sa Crame isinigaw ni Verzosa na ‘AS WE INCREASE THE ORGANIZATION, WE MUST ALSO DIMINISH.’

Ika nga, kung napalakas nga naman ng isang leader ang isang institution, handa rin siyang mawalang halaga sa personal na level.

Mabuhay ka CPNP Verzosa, ISA KANG TUNAY NA DANGAL NG BAYAN!!!

BISHOP YNIGUEZ

BUT THE LORD

HENRYK SEINKIEWICS

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE

JESUS AME VERZOSA

NERO

NOY ADMINISTRATION

QUO VADIS

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with