Danyos na walang pinsala
Ang pinsala ay nangyayari kung nilabag ang karapatang legal. Ang danyos naman ay ang kawalan o sakit na dulot ng kapinsalaan. Maaring magkaroon ng danyos kahit walang pinsala kung ang danyos ay hindi resulta ng paglabag sa tungkulin. Ang sitwasyong ito ay makikita sa kaso ni Carlo.
Si Carlo ay kagalang-galang na negosyante na madalas bumiyahe sa loob at labas ng bansa dahil kailangan ito sa kanyang negosyo. Lagi siyang bumibisita sa US, Europa at Asya nang mahigit sa pitong beses sa isang taon. Noong Sept. 1984 inisyuhan siya ng Visa card ng isa sa mga malalaking bankong pangkomersiyo sa bansa (EBC). Ang card na ito ay maaaring gamitin sa peso at dolyar na transaksyon sa loob at labas ng Pilipinas hanggang P20,000.00. Sa dolyar na transaksyon naman ay kailangan niyang mag-maintain ng deposit sa dolyar na hindi bababa sa $3,000.00 at ang balanse ng deposito ay ang hangganan ng kanyang kredito. Sa panahong sumobra siya sa credit limit otomatikong sususpindihin ang kanyang prebihileyo. Pagnasuspindi maari ito ibalik o tuluyang kanselahin ng EBC.
Mula August hanggang September 1985 ay bumili si Carlo ng mga kagamitan gamit ang kanyang card sa Hongkong na nagkakahalagang $14,000.00 habang may deposito lang siya na $3,689.00. Lumagpas siya sa hangganan ng kanyang kredito ngunit pinagbigyan naman siya ng EBC sa kondisyong babayaran ito ni Carlo sa loob ng ilang araw. Subalit hindi niya nagawa ito. Hindi rin siya nakapagdeposito sa takdang panahon.
Bilang parusa ay sinuspinde ang kanyang pribilehiyo sa dolyar na transaksyon. Nagdeposito siya ng $14,501.89 noong Jan 1986 sa kanyang dollar account upang bayaran ang kanyang mga binili ngunit kulang pa rin ito para mantenihin ang minimum dollar deposit na $3,000 dahil ang balanse niya ay $2,704.94 matapos mabayaran ang kanyang utang.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending