Pagkaing mabuti sa puso
Ayon sa mga pagsusuri, ito ang mga pagkaing pinaka-healthy para sa ating puso. Mainam din ito sa mga may taong mataas ang kolesterol at may diabetes.
1. Oatmeal – Ang oatmeal ay nakapagpapababa ng ating kolesterol ng 10%. Tinatanggal ng oatmeal ang mga bad cholesterol sa katawan at inilalabas ito.
2. Mani – Ang mani ay may sangkap na good fats, amino acids (arginine) at resveratrol. Ang mga ito ay nakapagpipigil sa pagbabara ng ugat sa ating puso. Kumain ng isang dakot ng mani sa meryenda. Huwag din sosobra ng kain at baka tumaba kayo.
3. Saging – Ang saging ay may potassium na kaila-ngan sa pagtibok ng puso. Kapag kulang ka sa potassium, puwedeng magloko ang tibok ng iyong puso. Delikado iyan. Tandaan: Two bananas a day will keep the doctor away.
4. Olive oil – Ayon sa Mayo Clinic, ang olive oil ay napakaganda sa puso. Kaya healthy ang Mediterranean diet na gumagamit ng lettuce, olive oil at mani.
5. Bawang – Nakapagpapababa ng kolesterol at blood pressure ang bawang. Ihalo ito sa iyong pagkain. Huwag sunugin ang bawang at mawawala ang mabisang sangkap nitong allyl sulfides. Mag-ingat lang at medyo mahapdi ito sa sikmura.
6. Sibuyas – Ang sibuyas ay may quercetin na isang anti-oxidant. Kapag mas matapang ang amoy ng sibuyas, mas marami ang quercetin nito. Tinatanggal ng sibuyas ang bad cholesterol ng katawan. Panlaban din sa kanser ang sibuyas.
7. Shiitake mushrooms – Ang espesyal na Japanese mushrooms na ito ay mabibili sa mga supermarkets. Ang shiitake mushrooms ay nakapagpapababa ng kolesterol at tinatayang makatutulong din sa Hepatitis B at HIV-Aids. Masarap itong ihalo sa manok o tofu.
8. Tofu, tokwa at soya milk – Magandang alternatibo ang tofu kumpara sa karne. Ito ang ginagamit sa vege-meat. Mataas ang tofu sa protina at calcium para sa buto. At dahil wala itong kolesterol, napakaganda nito sa ating puso. Kaya kung may sakit ka sa puso, bawasan ang karne at dagdagan ang tofu.
9. Red wine – Ang pag-inom ng kaunting red wine ay mabuti sa puso. May sangkap na resveratrol (isang anti-oxidant) ang mga grapes na ginagamit sa red wine. Ngunit, kung sosobra sa kalahating baso ang iyong iinumin ay masama naman ito. Patikim-tikim lang ang gawin. Good luck po.
- Latest
- Trending