PATULOY ang panawagan ng BITAG sa lahat hinggil sa kinaroroonan ng South San Francisco California’s Most Wanted na si Virgilio Teruel.
Magbigay ng impormasyon sa aming tanggapan sa pamamagitan ng pagte-text sa aming text hotline, pagtawag sa aming mga telepono, pagpapadala ng email o pagsulat sa website kung nais niyong itago ang inyong pagkakakilanlan.
Nitong nakaraang Lunes lamang, isang balita ang natanggap ng BITAG. Hinuli na raw ng mga pulis si Virgilio Teruel at dinala sa Camp Olivares sa Pampanga. Subalit simula Lunes hanggang Biyernes nitong nagdaang linggo tumatawag ang aming grupo sa nasabing kampo, wala umanong naibatong impormasyon sa pagkakahuli sa most wanted na si Teruel.
Martes, muli kaming nakatanggap ng impormasyon na umano’y dinala na sa Bureau of Immigration ang nahuling si Teruel.
Hindi nagkulang ang grupo ng BITAG na alamin sa Bureau of Immigration partikular sa tanggapan ng Interpol ang naibatong impormasyong ito.
Ang kasagutang aming natatanggap, wala rin umano sa kanilang tanggapan. Negatibo ang aming pakay.
Biyernes, isang nakakagulat na balita ang nadiskubre ng BITAG. Totoong nahuli ang Most Wanted na si Virgilio Teruel ng mga pulis.
May katotohanan din na dinala sa Bureau of Immigration ng mga arresting police ang nahuling si Teruel.
Ang malaking problema, hindi sa tanggapan ng Interpol
ng Bureau of Immigration tinurn-over si Teruel kung hindi sa task force umano ng nasabing ahensiya.
Eto ang masinsi-nang iimbestigahan ng BITAG.
Kung ito nga ba ay sinasadya o hindi sinasadyang magkamali o talagang kapalpakan lamang.
Ayaw naming maglaro sa aming isipan na may gapangang nangyari sa bagay na ito. Mabukulan ang mga dapat bukulan, tatamaan ang mga dapat tamaan.