^

PSN Opinyon

'Mahilig sa junk food ang aking mga anak'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dr. Elicano, ang aking dalawang anak ay mahilig pong kumain ng mga junk food sitsirya, barbecue, isaw, adidas, balunbalunan at pati hamburger at fries. Pawang mamantika po ang kanilang nilalantakan. Kapag nasa school sila ay hindi ko alam kung ano pa ang kanilang kinakain. Kapag kumakain sila ng mga nabanggit kong junkfood ay gustung-gusto nilang mag-softdrink. Ano po bang paraan ang magandang gawin para mapigil ko sa pagkain ng junk ang aking mga anak. Nag-aalala ako na kapag hindi sila napigil sa pagkain ng junk ay magkasakit o bata pa ay mataas na ang cholesterol. Salamat po.” — CRISTINA M. SANTOS, Solis St. Tondo, Manila

Problema talaga ang mga pagkaing junk na kinahi­hiligan ngayon hindi lang ng mga kabataan kundi pati ng mga adult. Tama ka na kapag hindi napigilan ang mga bata sa pagkain ng junk foods ay magkasakit sila.

Dahil sa pagkain ng mga junk kaya nagkakaroon ng bad cholesterol (LDL) sa dugo. Ang bad cholesterol ang bumabara sa mga ugat at nagiging sanhi ng stroke at heart attack.

Sa isang pag-aaral sa University of California, nadiskubre na ang pag-inom ng apple juice kapag kuma­kain ng junk food ay nagpa­pababa sa bad cholesterol sa dugo. Bini-break umano ng apple juice ang bumabarang bad cholesterol na nasa ugat. Mayroon daw tina­ta­wag na high concentration ng phe­­­­nols ang apple juice. Ang phenols ay makikita rin sa red wine.

Kaya painumin ng apple juice o kalamansi juice ang inyong mga anak habang luma­lantak ng junk foods.

ANO

BINI

DAHIL

DR. ELICANO

JUNK

KAPAG

SHY

SOLIS ST. TONDO

UNIVERSITY OF CALIFORNIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with