^

PSN Opinyon

Maliliit na bagay may kahulugan

SAPOL - Jarius Bondoc -

SANAYSAY ito ni Rev. Jerry R. Lyle Sr., isinalin mula Ingles:

“Kung maaalala ninyo, nakaiwas sa kamatayan ang presidente ng isang kumpanya mula sa Twin Tower nu’ng 9/11 dahil sinamahan niya ang anak na unang araw sa kindergarten.

“Isa pang nagta-trabaho sa Twin Tower ay nabuhay dahil torno niya bumili ng meryendang donut sa opisina.

“Nahuli sa pagpasok sa trabaho -- at naligtas -- ang isang empleyada dahil nagloko ang alarm clock niya.

“Na-late at naligtas din ang isang empleyado nang maipit sa trapik sa New Jersey Turnpike dahil sa banggaan ng mga kotse.

“Isa sa mga nahuli ring pumasok ay naiwan ng bus.

“Isa pa ang natuluan ng pagkain ang bestida kaya naggugol ng oras para magpalit.

“Ayaw mag-start ng kotse ng isa pa.

“Hindi makakuha ng taksi ang isa.

“Ang pinaka-pinag-isip ako ay ‘yung lalaking nagsuot ng bagong pares ng sapatos nu’ng umagang ‘yon. Tinahak niya ang dating sasakyan at ruta sa trabaho. Pero kinalyo ang paa. Kaya huminto sa botika at bumili ng Band-Aid. Dahil du’n, buhay siya ngayon.

“Kaya ngayon, kapag naipit ako sa trapik, naiwan ng elevator, napilitan bumalik upang sagutin ang kiriring ng telepono, lahat ng maliliit na bagay na umiirita sa akin, sinasabi ko na lang sa sarili: ’Ito ay kung saan nais ng Diyos ako naroon sa eksaktong saglit na ito.’

“Sa susunod na umaga pa lang ay parang sira na ang buong araw mo, lahat pumapalpak, hindi mo mahanap ang mga susi, pumupula lahat ng traffic light, huwag mabugnot o masiraan ng loob. Malay mo, ito ang paraan ng Diyos, na nagbabantay palagi sa iyo, na sadyang iatraso ka, upang mai-iwas sa sakuna.”

Oo nga naman.

AYAW

DAHIL

DIYOS

ISA

JERRY R

KAYA

LYLE SR.

NEW JERSEY TURNPIKE

TWIN TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with