^

PSN Opinyon

Swertres

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DAPAT hambalusin ni chairwoman Margie Juico, ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga bookies ng Swertres sa Southern Leyte. Habang lumalakas ang kubransa ng Swertres sa mga siyudad at bayan sa Southern Leyte, ang naapektuhan dito ay ang Small-Town lottery ng PCSO. Nahuhumaling na kasi ang mga residente sa bookies ng Swertres kaya’t hindi na nila pinapansin ang STL. Ang masama n’yan ang nagpapatakbo ng bookies ng Swertres sa Southern Leyte ay mga pulitiko o di kaya’y may basbas ng mga mayor. Aabot sa P3 milyon ang kubransa ng Swertres sa Southern Leyte dahil dalawang beses kung magbola. Kaya maraming masasagasaang pulitiko si Juico kapag hinabol n’ya ang mga nasa likod ng Swertres. Kung sabagay, angkop naman ito sa SONA ni President Aquino kung saan isinigaw niya na walang tongpats. Hala bira na chairwoman Juico Ma’m!

Para sa kaalaman ni Mrs. Juico, ang Swertres sa Ma-asin, Macrohon, Padre Burgos at Tomas Oppus ay si Mechung Macul. Sa mga bayan naman ng Anahawan, Bontoc, Libagon, Uloan, Pintuyan, San Francisco, San Juan, San Ricardo, Sogod, at St. Bernard ay si Mayor Shepperd Tan at Nonie Garbonino; sa Hinunangagan, Hinundayan at Silago si Vice Mayor Yoyo Adlaw alyas Pating samantalang si Alex Lim naman ang sa mga bayan ng Uloan, San Francisco, Pintuyan, Silago, Hinungagan, Hinundayan at San Ricardo. ‘Yan ang sumbong sa akin na dapat gawing gabay ni Mrs. Juico para matigil na ang bookies ng Swertres sa Southern Leyte. Masasabi kong bookies ang palaro ng Swertres sa Southern Leyte dahil wala namang prankisa ang financiers nito. Kaya ang kita ay hindi rin napupunta sa gobyerno kundi sa bulsa ng mga pulitikong financiers.

Ayon sa mandate ng PCSO, ang Swertres ay may tatlong kumbinasyon kung saan ang taya ng P10 ay mananalo ng P4,500. May dalawang bola kasi ng Swertres sa Visayas at Mindanao samantalang sa Luzon ay iisa lang. Sa bookies ng Swertres, ang taya ay P10 din subalit ang ma­pa­panalunan lamang ay P400 dahil sa maraming ibinawas na porsiyento. Maliwanag na ginagatasan lang ng financiers ang kanilang mananaya kaya si Erlan Samson ng Masagana sa Maynila ay pinasok din ito.

Dapat pakialaman din ni DILG Sec. Jesse Robredo ang bookies ng Swertres dahil nga LGUs din ang nasa likod at saklaw niya ang mga ito. Tanungin din ni Robredo sina Rey Cachuela at Ely Fontanilla dahil bukambibig ng financiers ng bookies ng Swertres ang mga pangalan nila, hindi lang sa Southern Leyte kundi maging sa ibang bahagi ng bansa. Kilos na Sec. Robredo Sir! Ipa­- kita mo sa sambayanan na kaya mong patigilin ang sugal ng mga mahihirap bilang pagtalima sa kautusan at pangarap ni President Aquino. Abangan!

ALEX LIM

BOOKIES

ELY FONTANILLA

MRS. JUICO

PRESIDENT AQUINO

SAN FRANCISCO

SAN RICARDO

SOUTHERN LEYTE

SWERTRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with