^

PSN Opinyon

Warning signs ng heart attack, stroke at cancer?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, isa po ako sa mga tagasubaybay ng inyong kolum dito sa Pilipino Star NGAYON. Gusto ko lang pong malaman ang mga warning signs ng inaatake sa puso, stroke at cancer. Sana po ay masagot mo ang aking katanungan. Ako ay isang retiradong guro sa pampublikong eskuwelahan. Salamat.

—MR. PANFILO DEOGRACIAS, Boac, Marinduque

Ang mga palatandaan o warning signs ng inaatake sa puso ay ang pananakit ng gitnang bahagi ng dibdib na nagtatagal ng ilang minuto. Maaaring pasumpung-sumpong ang sakit at may dahan-dahan o biglaan. Makararanas ng pagsikip ng dibdib na may kasamang pamamawis nang malamig.

Ang mga palatandaan ng stroke ay ang pamamanhid ng mukha, braso at paa. Kadalasang ang isang bahagi ng katawan ang namamanhid. Nahihirapang lumakad, pagkahilo, pagkalito at nagkakadeperensiya ang pagsasalita. Nanlalabo ang mga mata at nakararanas nang matinding pananakit ng ulo.

Ang mga palatandaan ng cancer ay mga sugat na hindi gumagaling sa mga bahagi ng katawan --- labi, dila, taynga, at ari. Bukol na hindi masakit at matigas na makikita o masasalat sa suso, kilikili, leeg at bayag. Pagdurugo at pagkakaroon ng abnormal discharge sa ari ng babae, rectum at urinary bladder. Pagbabago sa pagdumi, pagkakaroon ng diarrhea at constipation lalo na paglampas ng edad 40. Palaging namamaos ang boses. Palaging hindi matunawan. Pagkahulog ng timbang. Pagbabago ng kulay at laki ng wart, nunal at balat (birthmark).

Gusto kong linawin na ang mga nabanggit ay warning signs lamang at hindi ibig na mayroon nang cancer. Paalala lamang ito para ang apektado ay agad na makakunsulta sa doctor.

BOAC

BUKOL

DR. ELICA

KADALASANG

MAAARING

MAKARARANAS

PAGBABAGO

PALAGING

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with