^

PSN Opinyon

Si Atty. Koko Pimentel III, naman

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MEDYO “nililito” na kaya ng kampo ni Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III ang madlang people regarding sa electoral protest niya versus Sen. Juan Miguel Zubiri na nakambinbin mula pa noong 2007 elections?

Sila kasing dalawa ang naglaban sa ika-12 puesto sa pagka- Senator pero tinanghal na kampeon ng COMELEC si Migs porke tinalo niya si Koko.

Mukhang gustong -gusto na ni Koko na maka-upo sa Senado matapos ma-olat ang utol nitong bebot bilang kahalili ng kanyang erpat na si Senator Nene Pimentel Jr.

Kaya lang hintayin muna ang tamang proseso dahil kung sinasabing olat si Migs noong 2007 election siempre may batas na dapat sundin.

Sabi nga, bilang dito, bilang doon.

Ika nga, matibay na evidence regarding fraud.

Kailangan kasing igalang muna ni Atty. Koko ang mga umiiral na proseso at regulation ng Senate Electoral Tribunal (SET), kasama na ang “gag order” sa kanilang dalawa ni Zubiri.

Tama ba, bayan?

Naging tahimik sa pagsunod si Migs sa utos ng SET, hindi ganito ang nakikita natin kay Atty. Koko na kilalang bar topnocher.

Bakit?

May mga pahayag daw kasi ang camp ni Atorni na dehins maganda at pumapabor lang sa kanya.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa mga imbestigasyon kasi ng SET, lumalabas na halos 50 percent ng mga ballot ng mga mula sa Maynila, Bulacan, Quezon City at Ba­tangas ay may peke o may bahid ng pandaraya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, basta natalo nadaya....Hehehe!

Binubusisi kasi ngayon ng SET kung “sino” ang “utak” sa mga dayaang ito pero ang nakikita ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tila ‘inililigaw’ ni Koko ang madlang people sa isyu ng dayaan.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabulatlat ng SET na hindi lang si Koko at Zubiri ang dinaya, mukhang halos lahat ng tumakbo sa iba’t-ibang posisyon ay nabiktima ng mga mercenery at mga tulisang poll operators noong 2007 elections.

Kaya naman mukhang nakita ng SET na tulad ng reklamo ni Koko, may merito at batayan din ang protesta ni Zubiri kaya dapat ding dumaan ito sa 100 percent na “paghimay” na ginawa nila sa kaso ni Koko.

Ayaw na siyempre ni Koko na mangyari ito dahil sa kanyang kaso, umabot ng halos tatlong taon ang nangyaring “vote revision and validation.”

Sabi nga, ang tagal.

Sana napagisip-isip ni Koko ang posibilidad na talagang magtatagal ang resolusyon ng kanyang protesta.

‘Di ba ganyan naman lagi sa mga electoral protest dito sa Philippines my Philippines ?

Sa madaling salita, mas makabubuti para sa lahat na sumunod na lang si Atty. Koko sa mga itinakdang regulasyon at hintayin ang pinal na desisyon ng SET.

Sabi nga, para malinaw.

Abangan.

No more facilitation policy sa NAIA

MATAPANG ang approach ni MIAA general manager Bodet Honrado dahil ayaw na niya ng may special treatment ang mga pasaherong dumarating sa Philippines my Philippines galing abroad.

Bakit?

Ayaw na niya ang VIP treatment sa mga ito.

Sabi ni Bodet, dapat pumila ang lahat ng mga passenger bata o matanda, may anghit o wala, tomboy o bakla, pipi, bingi o bulag, may ngipin o bungal ang personal na bibitbit ng kanilang passport sa arrival at departure immigration area ng paliparan.

Kaya lang medyo lumambot ang puso ni Bodet pagdating sa mga senador at kongresista na dadaan sa NAIA dahil kailangan bigyan courtesy sila porke matataas silang official ng government of the Philippines my Philippines.

Paano ngayon ang mga anak, asawa, kamag-anak, kaibigan matalik at betka kung mayroon ang mga ito? Papipilahin din ba sila?

Ipapa-review sa lalong madaling panahon ni Bodet ang lahat ng binigyan ng MIAA ID access card noon nakaraan administration para malaman niya at i-revoke ang hindi naman karapat-dapat.

Ika nga, bengahan ang dating?

Naku ha!

Philippine Air Force Major General tired este mali retired pala si Bodet Honrado, for the information of madlang people of the Philippines my Philippines.

Ang problema nga lang kung wala ng facilitation tiyak maraming empleado sa MIAA na contractual na nakatalaga sa Media Affair Division at Public Affairs Office ang nanganganib na mawalan ng hotraba.

Bakit?

Karamihan kasi sa kanila ay nagpa-facilitate ng VIP’s!

MAD at PAO sa NAIA pagsamahin

UPANG makatipid ang MIAA sa gastos siguro panahon na rin dahil kailangan ang pagtitipid na pagsamahin ang office ng MAD at PAO sa airport.

Sangdamukal ang mga empleado dito na binabayaran ng MIAA pero ang trabaho nila ay halos makapareho lang.

Sabi nga, overlapping ang functions!

Dapat sigurong bulatlatin ang ikinukuento ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil mukhang dito yata ang tambakan ng mga chosen few? Hehehe!

BAKIT

BODET

BODET HONRADO

KAYA

KOKO

LEFT

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with