^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mataas na toll rates sa SLEX

-

MASYADONG mataas ang ipapataw na dagdag sa toll rates sa South Luzon Expressways. Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), 250 percent ang idadagdag sa toll at magkakabisa ito sa August 16, 2010. Sinabi ng TRB na desidido na ang South Luzon Tollways Corporation (SLTC) na ipatupad ang pagtataas. Tinatapos na umano ang mga pag-iinstall ng computer sa SLEX. Dalawang beses nang napipigil ang pagtataas ng toll sa SLEX.

Mataas ang 250 percent na ipapataw sa mga motorista at lilikha ito ng kade-kadenang reaksiyon. Kapag ipinatupad ang pagtataas, ang mga Class 1 na sasakyan ay magbabayad ng P77 mula sa dating P22 kapag nagdaan sa Alabang-Calamba expressway. Ang Class 2 at 3 na mga sasakyan ay magbabayad naman ng P155 at P232 kapag ipinatupad ang pagtaas ng toll.

Kade-kadenang reaksiyon ang magiging resulta nang mataas na toll fees. Una nang magtataas ng pasahe ang mga pampasaherong bus na bumibiyahe mula Bicol, Batangas, Quezon, at marami pa sa Southern Tagalog. Tiyak na magtataas ng presyo ang mga pangunahing produkto na iniluluwas sa Metro Manila. Walang ibang dadaanan ang mga cargo truck na may kargang bigas, mais, saging, niyog, gulay, karne, isda at marami pang produkto na idideliber sa mga palengke at supermarket sa Metro Manila. Tiyak na magtataas din ng presyo ang mga kompanya ng langis dahil ang produktong gasoline, LPG at diesel ay nanggagaling sa mga refineries sa Batangas.

Hindi naman pinagbabawalang magtaas ang SLTC pero ang 250 percent na increase ay grabe. Hindi na makatwiran ang ganito kataas na porsiyen­to na para bang hindi daranas ng hirap sa trapik o babahain kaya ang motorista kapag nagdaan dito.

Ang Supreme Court lamang ang maaaring ma­kapigil sa pagtataas ng toll. Si President Aquino ay tila wala nang magagawa dahil sinabi na kanyang spokesman na kailangan na raw talagang ipatupad ang pagtataas. Kung iyon ang pasya nila, wala na ngang magagawa. Pero masyadong maaga ang pahirap na ito ng SLTC sa mga motorista at maski sa mga hindi gumagamit ng expressways. Kade-kadena ang lilikhain nitong pahirap sa mga karaniwang mamamayan.

vuukle comment

ANG CLASS

ANG SUPREME COURT

BATANGAS

KADE

METRO MANILA

SI PRESIDENT AQUINO

SOUTH LUZON EXPRESSWAYS

SOUTH LUZON TOLLWAYS CORPORATION

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with