^

PSN Opinyon

Doktor, nurse, physical therapist, sino pa?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

PAG-USAPAN natin ang problema nang napakaraming nakapagtapos ng nursing, pero walang mapasukang trabaho dito sa Pilipinas. May patakaran na ang mga gustong magtrabaho sa Amerika ay dapat nakapag-trabaho ng dalawang taon dito bilang nurse. Ang problema, walang mga ospital na kayang tumanggap nang maraming nurse dahil wala raw silang ipapasahod sa kanila! Kabaliktaran pa nga ang nangyayari sa ibang ospital, na sila pa ang binabayaran ng mga nurse para makapag “training” ng anim na buwan! Kaya ayun, libu-libong nurse ang nakatiwangwang lamang, kahit malaki pa ang pangangailangan ng Amerika para sa mga nurse.

At ngayon, pati mga nakatapos ng physical therapy (PT) ay may problema na rin. Naglagay ang Amerika ng isang taong ban sa mga Pilipinong physical therapists, dahil nadiskubre raw nila na nagkaroon ng dayaan sa board exam ng mga physical therapists dito. Hindi sila papayagang kumuha ng board exam sa Amerika, kaya hindi rin sila makakapag-trabaho bilang PT. Kaya ayun, isang taong nakatiwangwang na rin! Ang masama pa, nakikilala na ang bansa na puro mandaraya. Bagama’t tinatanggi ng tinutukoy na review center ang umano’y pandaraya, pinatutupad na ang desisyon ng federasyon sa Amerika. Nagkaroon na rin ng iskandalo ukol sa dayaan sa board exam sa nursing noong 2006. Ngayon PT naman. Dati, kung hindi ako nagkakamali, nagka-iskandalo rin sa board exam ng medicine.

Nasa kultura na ba natin ang pandaraya? Sa palengke, sa gasolinahan, sa buwis, sa eleksyon? Nakikilala na tayo na pinaka corrupt na bansa sa rehiyon, ngayon mandaraya na rin sa pagkuha ng board exam? Napaparusahan na ang mga nagtapos nating mga propesyonal dahil lamang sa kawalang-hiyaan ng ilan!

Kaya may panukala na mapasailalim na rin ang lahat ng review centers sa bansa sa isang ahensiya katulad ng CHED, para mabantayan at gabayan. Regulasyon, sa madaling salita, para maiwasan ang mga pandaraya. Wala kasing anumang kontrol ang gobyerno sa mga review centers, kaya kung ano ang gusto nilang ituro at ibigay sa mga nagbayad, puwede nilang gawin. Napupuno na ang bansa ng mga nagtapos na wala namang trabaho. Malaking sakit ng ulo iyan para sa bagong administrasyon!

AMERIKA

BAGAMA

DATI

KABALIKTARAN

KAYA

MALAKING

NAGKAROON

NAGLAGAY

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with