Ang pagpili kay Marvic Leonen, dean ng Law School ng University of the Philippines, bilang chief negotiator ng pamahalaan sa pakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay naging welcome development sa mga stakeholders ng nasabing peace process.
Pinili ni President Aquino si Dean Leonen bilang chief negotiator dahil nga sa kanyang expertise sa constitutional and international laws na higit na kailangan sa pakipag-usap sa grupo ng rebeldeng MILF.
Naalala ko si Dean Leonen kamailan lang nang kanyang pinansin ang nakakahiyang typographical error ng Malaca?ang noong December 2009 nang idineklara nito ang Martial Law sa Maguindanao. Naisulat ng Palasyo na Republic Act 6986 instead of R.A. 6968 na naging basehan ng definition ng rebellion. Ang R.A. 6986 kasi ay tungkol sa pagpatayo ng isang paaralan sa Zamboanga.
Alam ni Dean Leonen ang kanyang pinasukan. At siguradong alam din niya na malaki ang expectations sa kanya ng mga Mindanaoans. Kahit paano, alam ni Dean Leonen na iniisip ng mga Mindanaoan na magkaroon na nga ng final peace pact with the MILF ngayon na siya na ang chief negotiator.
Medyo may katagalan na rin ang pag-uusap sa MILF na nagsimula pa noong 1996. Sinimulan ito ni dating Pangulong Fidel Ramos at tinuloy ni dating Pangulong Joseph (Erap) Estrada at maging ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Maraming taon at maraming peace agreements na ang dumaan sa pagitan ng dalawang panig. At naging paboritong bukambibig nga noon ni dating Pangulong Arroyo ang mga salitang “Peace is at hand”, “ Peace is within grasp”, “A final peace agreement would be signed before the end of the year”. Ngunit, napakarami nang yearends ang dumaan at tinuldukan na rin ang Arroyo administration, ngunit wala pa ring signing ng final peace agreement na nagaganap sa pag-uusap sa MILF.
At ngayon na si Dean Leonen na ang namumuno peace panel, sana ay maliwanagan na rin ang matagal nang issue ukol sa 1996 final peace agreement with the Moro National Liberation Front (MNLF) na naging balakid din sa pag-forge ng final peace accord sa MILF.
Ang issue lang naman ay napaka-basic — ‘Kailangan ng pamahalaan na baguhin o i-amend ang 1996 peace agreement upang makapasok ito sa panibagong peace accord with the MILF’.
Kasi nga anong concessions pa ba ang maibigay ng pamahalaan sa MILF gayong naibigay na nito ang lahat-lahat sa MNLF? Hindi nga lumalaki ang teritoryo ng Mindanao at kung tutuusin, ang mga areas na tinuturing ng MILF na teritoryo nito ay mga areas din na naibigay na sa MNLF.
Andyan na ang Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM). Ano pa ba ang maibigay sa MILF? Wala nang maibigay ang pamahalaan sa MILF in terms of concessions na hindi pa nito naibigay sa MNLF.
Kailangan na naman ang re-negotiation sa pagitan ng MNLF at ng pamahalaan upang maisakatuparan ang anumang pagbabago sa provisions ng 1996 peace accord.
Alam ng lahat na iniimbestigahan din ng Organization of Islamic Conference (OIC) ang pamahalaan dahil nga sa hindi pagtupad nito sa provisions ng 1996 final peace agreement with the MNLF.
Paano na ito ngayon? Kaya nakasalalay kay Dean Leonen ang kasagutan sa mga tanong na ito.
Sana hindi na “peace is within grasp” ang maging sagot uli.