Ombudsman, speed bakal vs BIR

USAD pagong at natutulog lamang ang mga kasong iniimbestigahan sa Office of the Ombudsman.

Kung baga sa mga taga-Pampanga’super buro’ ang reklamo pagdating dito.

Dapat siguro ang Ombudsman ang imbestigahan regarding sa pakaang-kaang at mabagal nilang action.

Ika nga, who will police the Ombudsman?

Wala hindi ba!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang palusot lang ng Office of the Ombudsman kapag nasisita ang kanilang tanggapan ay kulang sila sa abogado para mapag-aralan ng mabilis ang mga case problem nai-file sa kanila.

Sabi nga, lumang tugtugin!

Simple lang ito kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin...magsi-alis na kayo diyan!

Marami tuloy ang naniniwalang madlang people na ‘speed bagal’ ang Office of the Ombudsman sa pag-handle ng case problem, Huwag muna natin isama dito o idagdag ang mga malalaking kaso tulad ng NBN-ZTE deal at P728 million fertilizer fund scam.

BIR North QC

NAGTATAKA ang mga kuwago ng ORA MISMO, hanggang ngayon ay wala pang action ang Office of the Ombudsman regarding sa ginawang pagbobolakbol ng isang kamoteng opisyal ng BIR North Quezon City, na kahit may pasok ay umalis papuntang Davao para lamang maglaro ng ‘GOLF.’

Sabi nga, ibang klase!

Siguro para hindi mapahiya si BIR Commissioner Kim Henares sa madlang people of the Philippines my Philippines regarding sa pagbubulakbol ng kamote dapat sigurong alisin na niya ito dito.

Maraming sumbong ang natatanggap ng mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa ‘DAVAO MAFIA’ na mga operator sa kagaguhan dyan sa BIR North Quezon City.

Baka hindi nila kaya... paging P. Noy ikaw na ang bahala!

Abangan.

BIR Cagayan de Oro, imbestigahan

ASKING ng help ang group of taxpayers sa mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa problema nila sa BIR Revenue Region No. 16, Cagayan de Oro.

Ayon sa mga reklamodores, ang BIR director sa Caga­yan de Oro na si Esmeralda Tabule ay nag-iisyu ng Letter of Authority, authorizing some personnel sa assessment division headed by Adora Sijo to examine taxpayers sa kanilang place.

Tama kaya ito?

Pakikalkal lang BIR Commissioner Kim Henares, your Honor.

 Commissioner Henares, puede bang mag-examine ang mga taga-assessment division ng regional office saman­talang sila po sana ang mag re review sa mga ini-examine ng mga examiners ng BIR District Office?

Madam Commissioner, umaatungal na parang mga baka ang ibang mga negosiante sa Cagayan de Oro.

Bakit?

Malakas daw kasi ang kikilan blues?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa sumbong gigipitin umano sila para magbigay ng malaking halaga ng pitsa pero pagdating sa resibong iisyu sa kanila ay maliit na halaga lamang daw ang nakasulat?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga reklamadores sa mga kuwago ng ORA MISMO, sana malaman ni Commissioner Henares ang kanilang sinaing este mali hinaing pala.

Abangan.

Atty. Garing calling for P. Noy

NANANAWAGAN si Atty. Biyong Garing, hepe ng Re­gistry of Deeds ng Muntinlupa City kay P. Noy na pabusisi sa mga authorities ang sunud-sunod na patayan sa mga official ng Cavite Registry of Deeds.

Tinuligsa ni Garing, ang patayan dahil wala itong katuturan at kung may reklamo sila sa mga ito ay dapat sa korte sila magtungo para ito ang magpasya sa kanila.

Naniniwala si Garing sa pamunuan ng PNP ang matuwid ang batas kaya hindi dapat pairalin ang dahas’

Show comments