^

PSN Opinyon

'Cyberboso. batas na!'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MAIIHI sa kanilang lawlaw na karsunsilyo ang mga nasa likod ng pagdodokumento at pagpapakalat ng mga pribado, bastos at malalaswang larawan at video ng kanilang mga biktima.

Ang biktimang tinutukoy ng BITAG ay ‘yung mga na­sangkot sa internet blackmail at sex scandal na ang kalimitang suspek ay kanilang mga nakarelasyon.

Batas na ang sinususog na Cyberboso Bill ni Buhay Party List Representative Irwin Tieng.

Ngayon, ito ay Republic Act 9995 o Anti-photo and Video Voyeurism na nilagdaan nitong Pebrero 2010 ng dating President Gloria Arroyo.

Ayon kay Cong. Tieng, tatlo hanggang pitong taong pagkakakulong at isandaang libo hanggang limang daang libong piso ang nakaambang parusa sa mapapatunayang nagkasala.

Nakakatawang isipin na kung hindi pa isang artista ang nabiktima ng ganitong krimen kung saan idinodo-kumento ng kaniyang ka-relasyon ang kanilang pagtatalik.

Subalit sa di inaasahang pangyayari ay kumalat ito at naging laman ng internet, cellphone at DVD kung saan tinawag nga itong sex scandal.

Saka lamang nagkundamahog ang mga nasa itaas upang mapansin ang Cyber Boso Bill na taong 2008 pa lamang, itinutulak na ang batas na ito dahil sa dami na ng mga nabibiktima.

Ang mga kasong hinawakan ng BITAG noon pang taong 2006, muli naming babalikan.

Uumpisahan namin sa gurong inireklamo sa Tanay Rizal, Abangan ito bukas ng gabi sa BITAG.

Sisimulan na ng Buhay Party List at BITAG ang pagsasampa ng kaso sa mga suspek na may ilang taon ding nagpasasa sa krimeng kanilang ginawa dahil wala namang maisampang kaso sa kanila noon.

Ngayong may batas na, ang R.A. 9955, kwidaw na ang mga may sala.

vuukle comment

ABANGAN

BUHAY PARTY LIST

BUHAY PARTY LIST REPRESENTATIVE IRWIN TIENG

CYBER BOSO BILL

CYBERBOSO BILL

GLORIA ARROYO

REPUBLIC ACT

TANAY RIZAL

VIDEO VOYEURISM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with