^

PSN Opinyon

Pampahaba ng buhay: Mga tips

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Alam mo ba na depende sa iyong pamumuhay at pana­naw sa buhay, puwedeng humaba o umikli ang buhay mo? Alamin natin ito:

May magulang o lolo’t lola ka ba na lampas 85 years old? Kung oo, hahaba rin ang iyong buhay ng 2 taon dahil mahaba ang buhay ng lahi mo.

Nag-graduate ka ba sa kolehiyo? Mahilig ka ba magbasa tungkol sa iyong kalusugan? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 2 taon dahil may alam ka sa kalinisan at tamang pamumuhay.

Mahilig ka bang mag-ehersisyo? Madalas ka bang mapawisan sa pag-e-ehersisyo? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 3 taon.

Mahilig ka bang kumain ng gulay, prutas at isda? Mas marami ba ang kinakain mong gulay kaysa karne? Kung oo, madadagdagan ka ng 3 taon sa iyong buhay.

Mahilig ka ba sa steak at karne? Kumakain ka ba ng steak 2 beses sa isang linggo? Kung oo, mababawasan ka ng 1 taon dahil ma-kolesterol ang karne.

Mahilig ka ba sa crash diet o yo-yo diet? Iyung biglang magpapapayat sa pamamagitan ng diet pills at kung anu-ano pa? Kung oo, mababawasan ka ng 5 taon sa buhay. Masama sa katawan ang mga crash diet. Dapat ay 1-2 pounds lang ang ibabawas bawat linggo.

Nagpapacheck-up ka ba sa doktor bawat taon? May blood test ka ba at pinapasuri mo ba ang iyong nararamdaman? Kung oo, hahaba ng 3 years ang iyong buhay. Pero kung hindi ka nagpapa-check-up, iikli ng 3 taon ang iyong buhay. Kumonsulta na sa doktor para magamot agad ang sakit.

Kaya mo bang tawanan ang iyong problema? Marunong ka bang humarap sa problema sa buhay? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 4 na taon. Pero kung lagi kang stressed, mababawasan ka ng 3 taon sa buhay.

 Relihiyoso ka ba? Lagi ka bang nagdarasal? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 2 taon. Mas masaya at mas healthy ang mga taong naniniwala sa Diyos.

Matulungin ka ba sa kapwa? Gumagawa ka ba ng charity work bawat linggo? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 4 na taon dahil ang pagtulong sa kapwa ay nagpapaganda ng pakiramdam.

Mag-isa ka lang ba sa buhay? Wala ka bang kasama sa bahay? Kung oo, mababawasan ka ng 3 taon sa buhay dahil walang mag-aalaga sa iyo. Magkaroon ng kaibigan at maging malapit sa iyong kamag-anak.

Lagi ka bang in-love? Masaya ka ba sa iyong lifetime partner? Kung oo, hahaba ang iyong buhay ng 7 taon. Kaya dapat laging in-love at masaya.

Para sa karagdagang ka­alaman, magbasa ng librong “How To Live Longer” na ma­bibili sa National Bookstore. Ang 50 artikulo ko sa The Phi­lippine STAR at Pilipino Star NGAYON ay mababasa sa librong “How To Live Longer.”

vuukle comment

BANG

BUHAY

HAHABA

HOW TO LIVE LONGER

IYONG

KAYA

KUNG

LAGI

MAHILIG

TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with