Sino ang aking kapwa?
NGAYONG ika-15 linggo sa karaniwang panahon ay mu-ling ipinaaalala sa atin na ang Sampung Utos ng Diyos ay nabubuo sa pag-ibig sa Diyos at sa ating Kapwa. Ipinagkaloob ito ng Diyos kay Moises at sinabi niya sa bayan: “Kailangan ninyong dinggin ang tinig ng inyong Panginoon Diyos at buong puso’t kaluluwa na sundin ang mga utos”.
Nagkatawang-tao si Hesukristo na Siyang larawan ng Diyos na di nakikita at Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Ito ang ipinahayag ni Pablo sa mga taga-Colosas na ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo at para kay Hesukristo.
Nakibahagi si Hesukristo sa ating buhay upang ating malaman at matanto na Siya din ay ating Kapwa. Ito ang lubusan Niyang sagot sa isang mambabatas o eskriba na nagtanong kung ano ang dapat niyang gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, buong kaluluwa, nang buong lakas at buong pag-iisip at ibigin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili”.
Sa halip na maunawaan ng eskriba ay tinanung pa si Hesukristo: “Sino ang aking kapwa?”
Kaya’t ipinahayag Niya ang parabola ng isang Samaritano. Isang tao ang naglalakad buhat sa Jerusalem patungong Jerico, hinarang ng mga tulisan, kinuhang lahat pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nakita ng isang saserdote (pari) lumihis nang landas, nakita ng Levita (taong simbahan) tiningnan lamang at nagpatuloy ng paglakad.
Nakita ng isang Samaritano (isang pangkaraniwang tao) lumapit binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Dinala sa bahay panuluyan, pinagbilin na alagaan at siya’y magbabalik.
Sa ating lahat na bumabasa ngayon ng column na ito, tanungin natin ang atin sarili. Kailan tayo nakipag-kapwa? Meron na ba tayong kusang-loob na natulungan lalung-lalo nang di natin kakilala o kamag-anak man lang ma-ging maliit man o malaking kawang-gawa? Kung nagawa natin ito na tanging Diyos lamang ang nakaka-alam ay ahasan ninyong napakalaking biyaya ang inyong makakamtan.
Purihin natin ang Panginoon!
Dt30:10-14; Salmo68; Col1:15-20 at Lk10:25-37
- Latest
- Trending