^

PSN Opinyon

Basura

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NGAYONG unti-unti nang nalalagyan ng mga kalihim, chairman at pinuno ang iba’t ibang kagawaran at ahensiya sa administrasyong Aquino, nagsisimula nang magtrabaho ang mga bagong itinalaga sa kanya-kanyang takdang tungkulin. At habang dumadaan ang mga araw, unti-unting lumalabas na ang mga basurang iniwan at pinaggagawa ng nakaraang administrasyon. Sa DSWD, napuna ni Sec. Dinky Soliman na may mga problema sa Food-for-School Program, kung saan nagbibigay ng bigas ang gobyerno sa mga mag-aaral araw-araw para mahikayat silang pumasok. Hindi lahat ng bigas ay napupunta sa mga mag-aaral, kaya dapat pag-aralan at baguhin ang sistema ng pagbibigay ng bigas para siguradong matanggap ng mga bata.

May naharang na paglabas sana ng pera mula sa PAGCOR o PCSO. Ilalabas na sana ang pera ilang araw pa lang ng bagong administrasyon nang mahuli at napigilan. Mga “midnight appointees” na kailangang pag-aralan kung nararapat maiwan sa mga puwesto nila. Sa PAGCOR muli, may ebidensiya na nagamit ang pera ng ahensiya para sa kampanya ng anak ng dating chairman. Kaya may imbestigasyong hinahanda na.

Sa madaling salita, paano masusulong ang pagbabago kung sa paglinis pa lang ng basura ng nakaraang administrasyon ay bising-bisi na ang mga opisyal? Katulad ng nakita sa Food-for-School Program. Sistema ng edukasyon at sapat at ligtas na mga paaralan ang dapat inaasikaso, pero kailangang imbistigahan pa rin ang isyu ng FSP. At habang tumatagal, baka kung anu-ano pang basura ang mahalungkat! Ilang ahensiya pa ng administrasyon ang wala pang nalalagay na bagong tauhan. Kapag may nailagay na, maglalabasan na naman ang mga basurang iyan!

Maganda naman ang plano ng bagong hepe ng Customs na si Angelito Alvarez. Huhuli raw siya ng dalawang malalaking smuggler kada dalawang linggo. Malaking pangako iyan, dahil talamak na ang smuggling sa bansa na tila kinonsinti rin ng nakaraang administrasyon. Sana lang ay hindi pakitang-gilas o ningas-kugon lamang, dahil bago ang administrasyon, at tumagal ang ganyang dedikasyon sa trabaho ng anim na taon, o higit pa. Kung gusto talaga nating makamit ang kabuuang paghilom ng bansa, higit pa sa anim na taong malinis na gobyerno ang kakailanganin. Dahil sa mga naiwang basura, matagal na paglilinis ang kailangan!

ADMINISTRASYON

ANGELITO ALVAREZ

AQUINO

DAHIL

DINKY SOLIMAN

HUHULI

ILALABAS

ILANG

SCHOOL PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with