^

PSN Opinyon

Bariles de baboy

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Marami sa atin ang hindi pa nakakita ng tutoong “pork barrel”, ang tanyag na paglarawan sa pondong nakukuha ng mga mambabatas para sa kanilang mga personal na proyekto. Noong mga panahong hindi pa naimbento ang refrigeration, ang ginagawa upang hindi agad mabulok ang kakanin tulad ng baboy ay inaasinan at nilalagay sa loob ng bariles. Ang paglarawang pork barrel ay nagmula sa nakagawian sa Amerika noong unang panahon na ang mga alipin o slaves ay binibigyan ng pork barrels bilang pabuya. Dahil din sa taba o mantikang pampadulas na hango sa baboy, lalong naging bagay ang ngalan nito dahil “mataba” at may pampadulas din ang mga ganitong proyekto para sa mga nagpapanukala.

Matagal nang sinusuka ang ganitong sistema hindi lang dahil sa katiwaliang dala nito. Maliban sa hindi makatwirang panlalamang na nabibigay sa nakapuwes­tong mambabatas, marami rin itong nilalabag na reglamento ng batas: Una, ang bawat isang proyekto ay request lamang ng iisang Kamara imbes na pinag-isipan ng dalawa; pangalawa, madalas ay inaareglo ang bidding ng mga ito para sa pinapaborang kontratista; pangatlo, lokal na interes lamang at hindi pangkalahatan ang nakikinabang; pang-apat, hindi ito dumadaan sa budget hearing tulad ng karaniwang mga batas.

Hindi matanggal tanggal ni President Aquino ang pork barrel. Sa halip ay sinusubukan niya itong limitahan nang mabawasan ang abuso. Tila mas mahirap pa yata ang ganitong solusyon. Dahil ang nangyayari ay nililipat mo lang ang diskresyon mula sa kamay ng mambabatas papunta sa kamay ng kung sino ang kasalukuyang Pangulo. Ok kung si P-Noy na alam nating malinis at matapat. Eh papaano kung iba na ang may hawak? Batas ang dapat mamayani, hindi personalidad.

Kung hindi rin lang naman ito tatanggalin, hindi ba mas mainam nang iwan ang diskresyon sa kamay ng

 mambabatas upang ma­kapamili ng kung ano ang tunay na kailangan ng kani-kanilang pinag­lilingkuran? Paano naman masasabi na higit na alam ng Malakanyang kaysa mismong mga kinatawan ng tao kung ano ang panga­ngailangan ng mga bo­tante ng huli?

Korek si Cong. Boyet Gonzales sa kanyang pag-tutol sa Aquino proposal.

vuukle comment

AMERIKA

AQUINO

BATAS

BOYET GONZALES

DAHIL

KAMARA

KOREK

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with