^

PSN Opinyon

Kaya kawawa ang kalagayan ng PAF

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MATAGAL nang pinag-uusapan ang kawawang kalaga­yan ng Philippine Air Force. Halos wala nang eroplano ang PAF at ang mga natitira ay luma na. Magagaling pa naman ang mga piloto, maging sa militar o pribadong sektor. Naglabas ng report ang Commission on Audit (COA) na maaaring magpaliwanag kung bakit masama ang lagay ng PAF.

Ayon sa ginawa nilang ulat para sa katapusan ng taong 2009, napansin ng COA na kapag pinadadaan pa sa isang ahensiya ang pagbili ng mga kagamitan ng PAF, mas tumatagal lang at ang masama, may ebidensiya pa ng pagpatong ng presyo. Tong-pats, ika nga sa salita ng nakaraang administrasyon. Kaya bukod sa matagal makuha ng PAF ang kanilang hinihiling na gamit, mahal pa! Ang dalawang ahensiya ay ang Philippine International Trading Center (PITC) at ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).

Higit P186-milyong halaga ng kagamitan ang hindi pa nade-deliver ng PITC sa PAF kahit matagal na nilang hawak ang pera! Karamihan ng kagamitang hindi pa nabibigay sa PAF ay mga piyesa para sa mga eroplanong S-211. Konti na nga ang eroplano, hindi pa mabigyan ng mga piyesa! Kaya masama ang kalagayan ng PAF! Wala na nga ang dating administrasyon pero lumalabas at nadidiskubre pa rin ang baho ng pamamalakad nila sa lahat! Sino ang dapat habulin dito?

Ngayon na may bagong administrasyon at si Sec. Butch Abad pa ang hahawak ng DBM, dapat malinis na ang lahat ng proseso sa pagbili ng kagamitan, lalo na para sa militar. Maganda kung matatanggal ang mga tao sa gitna ng transaksiyon. Mas mura lalabas at mas konti ang kailangang kausapin. Dapat deretso na ang PAF at lahat ng sangay ng AFP sa DBM para sa mga pangangailangan nila.

AYON

BUTCH ABAD

DAPAT

HIGIT

KAYA

PAF

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE INTERNATIONAL TRADING CENTER

PROCUREMENT SERVICE OF THE DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with