ISANG araw matapos gulpi-de gulat na bisitahin ng BITAG ang opisina ng Anti-Carnapping sa Caloocan Police Station 6 noong nakaraang Lunes…
Agad ni-relieve ni Northern Police District Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao ang apat na pulis-ANCAR na nasangkot sa hulidap.
Sila ay sina SPO1 Maurito Reniedo, PO2 Dionisio Gabuya, PO2 Christopher Fontallon at ang hepe ng ANCAR Caloocan Police na si Maj. Reydante Ariza.
Sa mga nakapanood ng segment na “Sorpresa kay Hepe- Hulidap Caloocan”, si PO2 Dionisio Gabuya yung pilosopong pulis na nagsabing “sorry na lang”.
Magdemanda na lamang daw ang mga suspek na kanilang nahuli kung hindi nga magpositibong cocaine ang kanilang nakuhang ebidensiya.
Si Maj. Reydante Ariza naman ang bumulalas na kaya raw hindi niya ipinaalam kay Chief of Police ang drug operation ng kanilang tao ay dahil nais nilang sorpresahin ang kanilang hepe.
Ayon kay Atty. Alvaro Lazaro ng Philippine Drug Enforcement Agency - Legal Department, hindi isang regalo ang anumang drug operation para ihandog o gawing sorpresa sa kanilang opisyal.
Ipinaliwanag ni Atty. Lazaro na ang infla grante o operasyong chance upon ay nangyayari kung aksidenteng nakita ng isang otoridad ang isang iligal na gawain.
Isa na rito ay ang pag-aabutan, paggamit at bentahan ng droga. Ora mismo, kahit hindi taga-PDEA o ibang unit ng pulisya ay pupuwedeng manghuli.
Subalit kinakailangang ipaalam agad sa hepe ng pu-lisya ang isinagawang operasyon upang mapasuri ang mga nakuhang ebidensiya ng hindi aabot sa 36 oras.
Sa infla grante, maaa-ring ihuli ang koordinasyon sa PDEA bilang nangungunang ahensiya ng mga kaso laban sa droga.
Samantalang kung drug o buy bust operation, kinakailangang may koordinasyon nang ginawa ang mga otoridad sa PDEA bago pa man isagawa ang operasyon.
Alin man sa dalawang proseso ang nilabag ng mga otoridad lalo na’t hindi grupo ng mga anti-illegal drugs ang magsasagawa ng operasyon, matatawag na dubious ang operasyon.
Kaya naman ang krusada ng BITAG, tuldukan at BITAGin ang mga tiwaling pulis na gumagawa ang modus na hulidap.