^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Edukasyong de-kalidad ang nararapat isulong

-

KUNG inaakala nang marami na walang ginawa si President Arroyo para mapahusay ang edukasyon, nagkakamali sila. Meron din. Kaya lang, kung kailan paalis na sa puwesto saka lamang nila isinulong.

Habang magkasama sila ni President Noynoy Aquino sa sasakyang maghahatid sa kanila sa Luneta Grandstand noong Miyerkules, minungkahi ni Mrs. Arroyo kay Noynoy na maging prayoridad ang edukasyon. Kailangan daw mareporma ang edukasyon. Binanggit daw ni Mrs. Arroyo ay mayroon siyang binuong Presidential Task Force on Education na pinamumunuan ni Fr. Bienvenido Niebres. May mga rekomendadong paraan umano ang namumuno sa Task Force para sa pagkakaroon ng may kalidad na edukasyon sa bansa. Kabilang sa mga balak ay ma-reduce sa zero ang dropout rates ng mga nasa high school at elementarya. Sabi ni dating DepEd Sec. Mona Valisno, ibibigay niya ang report kay Bro. Armin Luistro na bagong DepEd secretary.

May kinalaman sa pagpapahusay at pagreporma ng edukasyon ang naging topic ng usapan nina Arroyo at Aquino. Nakapagtataka nga lamang na kung kailan bumaba sa puwesto si Mrs. Arroyo ay saka siya naging pursigido sa pagpapahusay ng edukasyon. Siyam na taon siya sa puwesto pero hindi ganap na napagbalingan ang pagkakaroon nang dekalidad na edukasyon. Malaki ang kakapusan sa school buildings, siksikan na parang sardinas ang mga estud-yante sa classroom, ang mga libro ay hindi dumaan sa maayos na pagsusuri kaya tadtad ng errors, kulang sa mahuhusay at kuwalipikadong guro at marami pang problema. Ang walang kalidad na edukasyon ang nagpabagsak sa mga Pilipino na dati ay tinitingala ng mga karatig bansa sa Asia. Dati, dagsa ang mga nag-aaral na dayuhan sa bansa sapagkat mahusay o may kalidad ang edukasyon. Noon iyon. Ngayon, maraming mga graduate ng kolehiyo ang walang nalalaman. Naka-graduate ng college na hindi alam kung ano ang pinag-aralan. Nagtapon ng pera sa kursong hindi naman pala siya kabilang. Naglipana naman ang mga school na tanging ang alam ay kumubra nang kumubra ng pera sa mga magulang.

Ang problemang ito ang gustong masolusyunan ng bagong pamahalaan. Pangako ni Noynoy na dudurugin ang corruption sa Customs at BIR. Ang malaking makokolekta sa dalawang ahensiya ang ibubuhos para magkaroon ng may kalidad na edukasyon. Nararapat na magkaroon ng katuparan ang pangakong ito.

ARMIN LUISTRO

BIENVENIDO NIEBRES

EDUKASYON

LUNETA GRANDSTAND

MONA VALISNO

MRS. ARROYO

NOYNOY

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with