^

PSN Opinyon

Kayo noon, kami naman ngayon' sa Pasay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

IPASASARA raw ni Pasay City Mayor Tony Calixto ang mga pasugalan sa unang linggo niya sa puwesto. Ayon sa mga nakausap ko, hindi balak ni Calixto na walisin ang taguri na “Sin City” ang Pasay City kundi para bigyan ng pagkakitaan ang mga taong nasa paligid niya, lalo na yung tumulong sa kandidatura niya noong nakaraang election. At isa riyan si Mr. George del Rosario, get n’yo mga suki?

Kaya goodbye na lang sa mga gambling lords na sina Freddie Cabrera, ang hari ng sakla-patay sa Pasay City, Boy Corcuera ang bookies king, Len Aguado, Nancy, Bertong Tae at iba pa. Kahit sino pa ang padrino nila, hindi sila sasantuhin ni Calixto na ang nasa isip ay “kayo noon, kami naman ngayon.” Ang balitang kumakalat sa Pasay City, umaabot sa P2 milyon ang grease money na inilabas para lang makapagbukas ng illegal na negosyo nila ang bagong operator ng illegal gambling sa siyudad ni Calixto. Kung totoo itong pinangalandakan ni President Aquino na walang corruption sa gobyerno niya, aba mukhang hindi ito pinansin ni Calixto, na tumakbo sa ilalim ng Liberal Party. Kung si Calixto ay hindi susunod sa kampanya ni Aquino laban sa corruption, eh hindi magandang halimbawa ito at baka tularan siya ng iba pang mga local officials. Dapat linisin muna ni Aquino ang bakuran niya sa LP bago ibaling ang kanyang paningin sa iba. Ano ba ‘yan?

Kung wawalisin ang mga lumang gambling lords, enter the drago…este pasok naman ang bagong financiers na sina Eric Castro, Junjun Francisco at Tonton Hines. Sinabi ng mga kausap ko na nagpatayo na ng opisina ang “tatlong itlog” ni Mayor Calixto sa P. Villanueva St., malapit sa palengke. Sa ngayon, tumatanggap na ng aplikante ang tatlong itlog bilang trabahador sa sugal-lupa tulad ng sakla, sakla-patay, bookies ng karera, ending, lotteng at iba pa.

Ikinakalat ng tatlong itlog ni Calixto na nakausap na nila ang NCRPO at naglagak na sila ng P1 milyon grease money para makapagsimula na sila sa kanilang centralized na illegal na negosyo. Ayaw ni NCRPO chief Dir. Roberto Rosales ng ganyan! Baka hindi na makapagbukas itong mga bataan ni Calixto kapag nakarating kay Rosales ang masamang simoy ng hangin na dulot ng matabil na dila ng tatlong itlog. Hehehe! Buti nga!

Ang akala ng taga-Pasay City, si Calixto ang kasagutan para maalis na ang taguring “Sin City” ang siyudad nila. Kasi nga, tulad ni Aquino, ang pagbabago ang isinisigaw ni Calixto noong kampanyahan pa. Subalit matapos manalo, mukhang nakalimutan ni Calixto ang ipinangako n’ya at ang pagbabago pala na tinutukoy niya ay ang hitsura ng gambling lords ng siyudad. Hehehe!

Kawawang mga residente ng Pasay. May kinabukasan pa kaya sila sa mga pulitiko na nakabase sa siyudad na panay matatamis ang dila? Kung nais ni Calixto na alisin ang duda na pitsa-pitsa lang ang lakad niya, dapat ipasara niyang tuluyan ang lahat ng pasugalan sa Pasay. Period!

Abangan!

AQUINO

BERTONG TAE

BOY CORCUERA

CALIXTO

CITY

ERIC CASTRO

FREDDIE CABRERA

PASAY CITY

SIN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with