^

PSN Opinyon

Unang sigaw

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Sa unang talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, napakalakas ng reaksyon ng higit kalahating milyong katao na dumalo sa kanyang inagurasyon, sa pahayag na wala nang “wang-wang” o sirena sa kanyang administrasyon. Gagamit lang daw siya nito kapag kailangan na kailangan. Nung papunta na nga siya para sunduin ang papalitang Pangulong Arro­yo, humihinto pa siya sa mga pulang ilaw. Ang reaksyong ng napakaraming tao sa kaugalian ng maraming naghahari-harian sa kalye ay patunay sa kumukulong inis na nararamdaman na ng taong-bayan. Kaya linatag na ni P.Noy ang magiging patakaran at imahe ng kanyang administrasyon. Mapagkumbaba, malinis, iisa ang damdamin sa mamamayan. Sa madaling salita, gobyerno kung saan ang tao ang may kapangyarihan, hindi ang mga opisyal.

Ilang reklamo nga ang natatanggap namin ni Ted Failon noong nasa radyo ako ukol sa mga ganyang sasakyan, na napakabastos dahil lamang sa may sirena silang sumasabog sa tenga ng lahat ng motorista. Kahit may batas laban sa ganitong kaugalian, wala namang ginagawa ang PNP at MMDA para hulihin ang mga mayaya-bang na salarin. Marahil ay opisyal ng gobyerno ang mga ito, at baka masisante lang kung sakaling parahin at sitahin nila. At ni minsan ay hindi binanggit ni GMA ang ukol sa mga “wang-wang”. Pero tapos na ang mga maliligayang araw ng mga iyan at inutusan na ang PNP na hulihin ang lahat na lumabag sa PD 96.

Kapuna-puna naman ang reaksyon ng Bise-Presidente ukol sa bagong patakaran ni P. Noy. Hindi siya sang-ayon na lahat ay pagbabawalan na. Ayon sa kanya, minsan ay kailangan ang sirena para makarating sa mga emergency na insidente katulad ng krimen, disaster at kung ano pang sitwasyon. Pero kaya nga may mga pulis, bumbero, ambulansiya na sila dapat ang mga unang rumeresponde sa mga ganyang sitwasyon. Hindi naman sila sakop ng pagbabawal. Pati nga ang Bise-Presidente ay hindi naman bawal gumamit ng sirena at escort, kaya di ko alam ang pinanggalingan ng kanyang pintas sa patakaran. Ano yung kasabihan, ang unang pumiyok ang siyang nangitlog?

May mga okasyon na karapat-dapat lang gumamit ng sirena. Pero sa Pilipinas, ang pribilehiyong iyan ay inabuso nang husto, ng mga wala namang karapatang gumamit. Mga kaibigan, kamag-anak, mababang opisyal lamang, pulis na hindi naman duty o kaya’y mga kaibigan nito, ma-lakas sa munisipyo, lahat na. Kaya ganun na lang ang reaksyon ng tao sa bagong patakaran ni P. Noy. Wala nang mas magandang patunay sa inis ng tao. Huwag nang magreklamo. Sumunod na lang sa tamang pagbabago. Matuto nang umalis nang maaga para makarating sa pupuntahan, katulad ng ginagawa naman ng lahat!

Katulad ng gagawin ng bagong Pangulo!

ANO

AQUINO

AYON

BISE-PRESIDENTE

KAYA

PANGULONG ARRO

PANGULONG BENIGNO SIMEON C

PERO

TED FAILON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with